^

PSN Opinyon

Paano magnakaw sa kabang bayan?

SAPOL - Jarius Bondoc -
KICKBACK o pailalim na komisyon ang malimit na paraang pagnakaw sa kaban-bayan. Sa Kongreso, madali ito gawin sa tig-P200 milyong taunang pork barrel ng mga senador at P70 milyon kada representante. Sa pagturo pa lang sa implementing agency kung sino ang supplier o contractor ng proyekto, may kickback na ang mambabatas. Kung sobrang dupang nila, sa sariling kumpanya ipinababalato ang proyekto. Malimit ito mangyari sa paggawa ng kalsada o pier, o supply ng gamot at libro.

Kumi-kickback din sa executive at judiciary. Binabali ng opisyal ang mga alituntunin ng bidding. Pinaaayon sa pinapaborang kumpanya. Pati supply ng lapis o basurahan, pinapatulan.

Maraming paraan ng pagbali at pagpabor. Maaring sa simula pa lang, sa paglista ng specifications, inaayon na sa produkto o serbisyo ng kumpanya. Halimbawa nito ‘yung in-expose ko sa Army nu’ng 2000 na night vision goggles na 5-1/2 inches lang ang lapad imbis na karaniwang 6 inches, para ma-shoot sa supply ng isang kumpanya sa India.

Maari ding papanalunin sa bidding ang pinapaborang kumpanya miski kapos ang puhunan o karanasan. Kapag na-award na ang kontrata, saka ito babaguhin at papipirmahin ang mga sinusuhulang opisyales. Pinapataas ang contract price o kaya binabawasan ang trabaho. Sina-subcontract o joint venture din sa mga kumpanyang may kapital at karanasan. Ito ang sapin-saping ginawa ng Piatco sa NAIA Terminal-3.

Merong opisyales na tahasang ninanakaw ang supplies, mula gamot sa ospital, damit na donasyon para sa biktima ng sakuna o sasakyan. Ilang daang kotse ng national at local agencies ang nakagarahe hangga ngayon sa mga dating meyor o retiradong opisyales.

Siyempre, binabawi ng nanunuhol na kumpanya ang kickback sa iba’t-ibang paraan. Nininipisan ang aspalto sa highway o ino-overprice ang kontrata. Sa huli, bayan ang kawawa.
* * *
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

BINABALI

HALIMBAWA

ILANG

KAPAG

KUMI

KUMPANYA

LINAWIN NATIN

SA KONGRESO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with