Paano na kami?
June 11, 2006 | 12:00am
Ang pitak na itoy walang sinisino
Kaya laging handa mahabang latigo;
Pinipilantik din kahit ang Pangulo
Kung namamali sa hakbangin nito!
At bakit nga hindi siya papaluin?
Kaming mga dukha gustoy paluhain;
Karagdagang sweldoy nagawang pigilin
Gayong ito namay laon nang hiniling!
Kaming mga dukhay laging kumakayod
Upang may makain sa sariling pagod;
Ang dagdag na sweldong aming inaamot
Ayaw pang ibigay ng mga kuripot!
Pati ang Pangulong sabiy maka-dukha
Ipinagdaramot ang kanyang kalinga;
Hininging umento naming mga dukha
Tinanggihan niya at hindi raw tama!
Mga kongresistang datiy natutulog
Nagbigay umento sa mga busabos;
Sa ibinigay nilang 125 pesos
Sabi ng Pangulo bansay hihilahod!
Tagal nang hilahod itong ating bansa
dahil etsa-pwera mga manggagawa;
ang tripartite body na silang bahala
hindi kumikilos walang ginagawa!
Salamat, salamat sa mga congressman
Kahit kakarampot ngayoy naisipan
Na sa tatlong taon ay mabiyayaan
Kaming mga dukhang laborers ng bayan!
Ang hindi maganda sa nangyaring ito
Ang isasa-batas na konting umento
Ay kinontra pa rin ng ating Pangulo
Pagkat panig siya sa nasa negosyo?
Kung laging ganitoy paano na kami
Kaming mga dukha na palaging api?
Silang nasa pwestot mga negosyante
Bundat na bundat nay lagi pang maswerte!
Kaya laging handa mahabang latigo;
Pinipilantik din kahit ang Pangulo
Kung namamali sa hakbangin nito!
At bakit nga hindi siya papaluin?
Kaming mga dukha gustoy paluhain;
Karagdagang sweldoy nagawang pigilin
Gayong ito namay laon nang hiniling!
Kaming mga dukhay laging kumakayod
Upang may makain sa sariling pagod;
Ang dagdag na sweldong aming inaamot
Ayaw pang ibigay ng mga kuripot!
Pati ang Pangulong sabiy maka-dukha
Ipinagdaramot ang kanyang kalinga;
Hininging umento naming mga dukha
Tinanggihan niya at hindi raw tama!
Mga kongresistang datiy natutulog
Nagbigay umento sa mga busabos;
Sa ibinigay nilang 125 pesos
Sabi ng Pangulo bansay hihilahod!
Tagal nang hilahod itong ating bansa
dahil etsa-pwera mga manggagawa;
ang tripartite body na silang bahala
hindi kumikilos walang ginagawa!
Salamat, salamat sa mga congressman
Kahit kakarampot ngayoy naisipan
Na sa tatlong taon ay mabiyayaan
Kaming mga dukhang laborers ng bayan!
Ang hindi maganda sa nangyaring ito
Ang isasa-batas na konting umento
Ay kinontra pa rin ng ating Pangulo
Pagkat panig siya sa nasa negosyo?
Kung laging ganitoy paano na kami
Kaming mga dukha na palaging api?
Silang nasa pwestot mga negosyante
Bundat na bundat nay lagi pang maswerte!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am