MARAMI ang nagsasabi na ang pag-inom ng kape ay nakasasama sa kalusugan. Itoy pinabulaanan ng mga medical experts sa Oslo, Norway na nagpahayag na ang kape ay nakabubuti sa katawan. Ayon sa mga Norwegian doctors ang pag-inom ng dalawa hanggang limang tasang kape sa bawat araw ay mabisang panlaban sa sakit sa puso, Alzheimers at Parkinsons disease. Pero hindi dapat lumampas sa limang tasa kada araw dahil maaaring magka-insomia. Pangkaraniwan na sa mga matatanda ang magka-Alzheimers. Ito ang naging sakit ng yumaong US President Ronald Reagan samantalang ang Parkinsons naman ay ang pananakit at pamamanhid ng kalamnan at buto kaya hindi mapigil ang paggalaw ng ulo at leeg at iba pang bahagi ng katawan.
Ito ang naging sakit nina Pope Paul II at World Boxing Champion Muhammad Ali.
Sinasabi na ang tamang pag-inom ng kape ay nakatutulong sa normal na pagdaloy ng dugo. Taglay din ng kape ang mas maraming anti-oxidant kaysa sa red wine na mainam din sa puso. Binigyan-diin ng mga eksperto na bagamat ang kape ay nakapagmi-minimize ng mga naturang sakit dapat na maging moderate lang ang pag-inom nito.