Nariyan ang parlors, facial spa and body centers, health and fitness gym, maging reflexology centers.
Ang tanging layunin ng mga parokyanong tumatangkilik dito ay magpaganda, mag-relax at pampabuti ng katawan.
Subalit ang ilan sa mga establisyamentong ito ay sa gusali, karatula at palamuti lamang ng tanggapan ang pagiging lehitimo. Dahil lingid sa ating kaalaman, may itinatagong kababuyan sa loob ng kanilang teritoryo.
Tulad nitong Feels Good Reflexology Center sa Roosevelt Avenue na nahulog sa patibong ng District Intelligence & Information Division (DIID) at BITAG nitong nakaraang Huwebes.
Isang batikang brodkaster ang nag-tip sa BITAG na umanoy hang-out ng mga baklat matrona.
Ito daw ay dahil sa mga masahista nitong maskuladot call boy. Bukod daw kasi sa pagmamasahe, may extra service ang Feels Good Reflexology Center na masturbation at blowjob.
Siya daw ay nadenggoy ng serbisyong inaalok ng mga masahistang maskulado.
Agad namang ikinasa ng BITAG ang aming Surveillance Team kasama ang isang bading na undercover.
Positibo ang tip sa amin kayat kasama ang mga operatiba ng DIID at BITAG, isang raid operation ang napagplanuhan.
Sa paglusob ng BITAG at DIID, sampung maskuladong masahista at dalawang baklang kostumer ang naaresto.
Agad namang sumulpot ang nagmamay-ari ng nasabing reflexology center at katulad ng ibang nahuhulog sa aming BITAG, pinabulaanan niya ang kababuyang ginagawa ng kanyang mga empleyado.
Kunsabagay, kapag kasi isa ka sa mga nahulog sa patibong ng BITAG, dalawa lang naman ang puwede mong gawin. Ang magtago o magsinungaling.
Hindi target ng aming grupo ang mga maskuladong masahista na nahuli ng mga operatiba ng DIID. Kinakailangan lamang na ituwid ang baluktot na pamamaraan ng paghahanap-buhay.
Tinutugis namin ang mga nagmamay-ari ng mga ganitong establisyamento na sinasamantala ang pangangailangan ng mga empleyado.
Kayat kung may nalalaman pa kayong ganitong uri ng mala-baboy na serbisyo gamit ang isang lehitimong negosyo, makipagtulungan kaagad sa BITAG.
Nakahanda lang ang patibong na siguradong tutuldok sa kahalayan, pananamantala at kababuyang aktibidades ng mga ganitong establisyamento.