Pinagmamalaki ng bawat network ang kani-kanilang manok na parang pinapasikat nilang mga artista. Ginamit ng dalawang TV station ang Mt. Everest project upang lalo silang sumikat. Siyempre, ang network na sumusuporta sa pinakaunang Pinoy na unang makatuntong sa tuktok ng Mt. Everest ang aani ng tagumpay.
Naramdaman ko ang panlulumo ng kampo ni Romi Garduce nang mabalita na nakarating na sa tuktok si Oracion at sinundan ni Emata. Natameme ang 7 kahit na paminsan-minsan ay isinasama sa kanilang network news ang tungkol sa tagumpay ni Oracion at Emata. Biglang sumigla ulit ang pagbabalita kay Garduce nang makarating na rin ito sa tuktok.
Pero bukod kina Oracion, Emata at Garduce, may isa pa palang Pi-noy na nakarating daw sa tuktok. Ito raw ay si Dale Abenojar.
Iniimbestigahan pa ang katotohanan ng kini-claim ni Abenojar. May nagsasabing hindi raw totoo ang mga ipinakitang retrato ni Abenojar. Sa palagay ko, dapat may makialam na awtoridad tungkol sa bagay na ito. Para hindi mabahiran ng pag-aalinlangan ang nakamtan ng Pilipinas na nakaakyat ang Pinoys sa tuktok ng Everest.