^

PSN Opinyon

Million of pesos nawala sa gobyerno

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KINULIMBAT ng mga gago sa Port of Manila ang million of pesos worth of elephant tusks habang nakalulan sa isang container van na nakatago sa Asian Terminal Incorporated sa South Harbor.

For your information, ang mga nawawala ay mga sungay ng mga panty, este mali, elepante pala.

Hindi biro ang halaga nito kaya may mga gagong nagsabwatan todits para kanain ito at ipagbili. Nagkaroon ng switching ng selyo sa container kaya hindi ito nabuko noong una hanggang sa umugong ang balitang nagkanakawan nga ng sungay ng elepante.

Nagulantang ang mga nagbabantay dahil nanggagalaiti sa galit si Customs Commissioner Boy Morales. Biruin mo nga naman, nawalan ng pitsa ang gobyerno dahil sa mga magnanakaw sa bureau.

Tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO na may sabwatang naganap kasi hindi ito puwedeng gawin ng isang grupo ng mga tarantado nang hindi ititimbre sa mga gagong taga-Customs.

Ang dating seal na may number bilang 12031 na naunang ikinabit sa van noong Nov. 23 last year ay natuklasang napalitan ng ATI seal bilang 91488 matapos buksan para inspeksiyunin noong May 4 before na ilipat toits sa warehouse 159 ng BoC.

Tatlong crates ang nawawala nang madiskubreng mga ivory ang mga sungay ng mga elepante for your information. Take note, Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency!

Hinuli ang mga sungay ng elepante dahil bawal ito ipasok sa Pinas at iba pang bansa. Sabi nga, endangered species na sila. Elephant.

Noong Enero pa dapat ilipat ito before itong ilipat sa pag-iingat ng DENR kung anuman ang naging problema iyan ang dehins ko alam.

"Dapat matindi ang mag-iimbestiga sa nakawang nabanggit dahil kung hindi tiyak alaws na ang mga sungay," sabi ng kuwagong karpintero.

"NBI at CIDG na lamang ang may kredibilidad sa ngayon," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Baka naman maayos sila?"

"Iyan kamote ang problema nila."

vuukle comment

ASIAN TERMINAL INCORPORATED

BIRUIN

CUSTOMS COMMISSIONER BOY MORALES

NOONG ENERO

PORT OF MANILA

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SOUTH HARBOR

YOUR EXCELLENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with