^

PSN Opinyon

Media practitioner tinigok ulit

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
WALANG humpay ang mga animal sa pagtumba ng media practitioner na may atraso sa kanila. Basta ang importante, tigukin ang may mga atraso!

Ganito kasadista ang mga media killers sa ngayon, ayaw nilang lubayan ang mga ito dahil nabubulgar ang kanilang bantot sa madlang people. Sabi nga, tumba rito, tumba roon!

Hindi lamang mga peryodista ang tinitigok ngayon kundi pati mga aktibista na kalaban ng gobyerno ay tinitira na rin. Ika nga, parang Marcos time!

Si Noli Capulong, isang Bayan Muna regional coordinator at columnist ng isang weekly newspaper sa Calamba, Laguna ay niratrat ng dehins pa kilalang mga kamote habang sakay ng kanyang owner-type jeep. Sabi nga, kinuha ni Lord si Noli! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Amen!

Si Noli ay sumusulat sa local na pahayagang Bida at matindi kung bumatikos sa mga nasasagasaan nitong mga tiwaling gago sa gobyerno. Kaya hayun, siya ang itinumba sa kababanat niya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins daw trabaho bilang newspaper men tinira si Noli kundi ang pagiging left niya. Masama ba maging left kundi ka right?

Katulad ng dami ng mga namamatay na media practitioner marami ring namamatay na aktibista. Itinutumba sila ng alaws kalaban-laban basta ma-identify sila na kritikal sa gobyerno. Sangdamukal ang unsolved case basta ganitong klase o istilo ang pagpatay.

Ano kaya ang ginagawa ng human rights tungkol sa isyung ito?

Sarado kaya ang mga bibig nila o nagbubulag-bulagan lamang sila.

"Siguro may sariling imbestigasyon ang mga taga-human rights regarding sa mga pagpatay," anang kuwagong preso sa Munti.

"Anong tulong ang magagawa ng gobyerno para malutas ang mga pagpatay hindi lamang sa media kundi pati sa mga aktibista?" tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Iyan ang ipasagot natin sa gobyerno," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Paano kundi sagutin?"

"Problema nila iyan kamote!"

vuukle comment

ANO

ANONG

BAYAN MUNA

BIDA

NOLI

SABI

SI NOLI

SI NOLI CAPULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with