^

PSN Opinyon

Iligtas ang Biak na Bato!

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAKASAYSAYAN ang Biak na Bato sa Bulacan. Nagsilbing kuta ito ng mga Katipunero at dito iprinoklama ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas.

Sa ngayon nakalulungkot isipin na ang historical landmark na ito ay nanganganib dahil sa walang patumanggang quarying na nag-ugat sa awayan ng mga pulitiko sa Bulacan at mga grupo na may kanya-kanyang sariling interes. Dahil nga sa pagku-quarry kaya halos makalbo na ang bundok at pinangangambahan na ito’y humantong din sa kalunos-lunos na Leyte landslide tragedy. Ayon sa mga residente na malapit sa bundok ang walang tigil na quarying ay magiging dahilan ng landslide. Pati na ang tubig na nanggagaling sa bukal ay mako-kontamina na rin ng iba’t ibang kemikal.

Ayon sa impormante ng BANTAY KAPWA dahil sa magkakatunggaling grupo kaya walang hakbang na nagagawa para mahinto ang mistulang panggagahasang ito ng kalikasan.

Sa puntong ito ay nananawagan ang BANTAY KAPWA sa mga concerned citizens at kina Environ- ment Sec. Angelo Reyes, Bulacan Gov. Josie dela Cruz at iba pang opisyales ng Bulacan na gumawa ng aksyon para maisalba ang Biak na Bato.

ANGELO REYES

AYON

BATO

BIAK

BULACAN

BULACAN GOV

CRUZ

DAHIL

KATIPUNERO

LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with