^

PSN Opinyon

Naantalang bayad

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng 172 ektaryang sakahan na pag-aari ni Don Manolo na umaani ng 132 hanggang 231 kaban ng palay bawat ektarya sa loob ng isang taon. Nang mamatay si Don Manolo, ang anak niyang si Paco ang namahala ng sakahan.

Noong 1972, binungkal ng National Irrigation Authority (NIA) ang 10 ektarya ng sakahan ni Paco at tinayuan ng dalawang kanal ng patubig. At kahit na 10 ektarya lamang ang sakop ng patubig, nagsimula nang bahain ang buong sakahan sa loob ng dalawang buwan sa isang taon. At kahit natapos na ang pagtatayo ng patubig, hindi pa rin nagsagawa ang NIA ng ekspropriyasyon o bayaran man lamang si Paco. Kaya, hiniling ni Paco ang kaukulang bayad ng naapektuhang sakahan. Nagsadya rin siya sa opisina ng NIA sa Maynila upang isumite ang mga kinakailangang dokumento.

Samantala, taong 1980, binili na rin ng NIA mula kay Paco ang 10-ektaryang patubigan. Pagkatapos, nagsagawa rin sina Paco at ang NIA ng Deed of Sale saklaw ang 22,073 square meters. nito. Gayunpaman, hindi kailanman naipatupad ang nasabing Deed of Sale at wala ring natanggap na kabayaran si Paco mula rito.

Kaya, noong August 20, 1993, naghain si Paco ng reklamong damages at just compensation laban sa NIA o kaya ay maatasan ang NIA na lisanin ang patubigan at ibalik ang lupa sa kanya. Samantala, iginiit naman ng NIA na ang katagalan ng pagpapatupad ni Paco ng Deed of Sale ay maituturing na laches o ang pagpapabaya sa paggiit ng kanyang karapatan sa loob ng makatwirang panahon na maituturing na hadlang sa reklamong inihain.

Ayon pa sa NIA, kailangang idismis ang reklamo ni Paco dahil sa pagpapabaya niya sa kanyang karapatan. Tama ba ang NIA?

MALI.
Hindi nag-aaplay ang prinsipyo ng laches sa kasong ito. Ang 13 taong pagitan sa pagsasagawa ng 1980 Deed of Sale at ang paghahain ng reklamo ni Paco ay hindi isang hadlang para makuha niya ang kaukulang bayad. Kapag kinumpiska ng gobyerno ang pribadong ari-arian nang hindi pa naililipat dito ang titulo sa pamamagitan ng ekspropriyasyon o bentahan, ang karapatan ng may-ari na mabawi ang kanyang lupa o makuha ang kaukulang bayad ay hindi masasaklaw ng preskripsyon (NPC vs. Campos, Jr. 405 SCRA 194). Kaya, kahit na nanahimik ang mga pribadong may-ari sa loob ng 26 o 30 taon bago pa sila magreklamo, makukuha pa rin nila ang kaukulang bayad (Ansaldo vs. Tantuic, Jr. 188 SCRA 300; Amigable vs. Cuenca, 43 SCRA 360).

Natagalan man si Paco bago maghain ng reklamo, kasabay naman nito ang walong taong lumipas bago pa nabili ng NIA ang ginawang patubigan. Samakatuwid, tatlong dekada pa ang lumipas bago pa nakakuha si Paco ng kauting kabayaran mula sa NIA. Pansamantala ring nagbayad si Paco at ibang magsasaka ng irrigation fees sa NIA. Bilang ahensya ng ekspropriyasyon, dapat sana ay ibinigay na ng NIA ang kaukulang bayad matapos kumpiskahin ang pribadong ari-arian ni Paco. Ayon sa Section 2(e) ng RA 3601 as amended by PD 552, dapat sana ay ginamit ng NIA ang kapangyarihan nito na makuha ang pribadong ari-arian ng may makatarungang bayad para sa pampublikong pangangailangan o ang eminent domain para nasimulan na ang ekspropriyasyon. Walang kapangyarihan ang NIA na kumpiskahin ang bahagi ng sakahan nang hindi naghahain ng paglilitis o magbigay ng kaukulang bayad sa may-ari (Republic vs. Court of Appeals, G. R. 147245, March 31, 2005. 454 SCRA 516).

vuukle comment

AYON

BAYAD

COURT OF APPEALS

DEED OF SALE

DON MANOLO

KAYA

NATIONAL IRRIGATION AUTHORITY

NIA

PACO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with