Pero ang sabi ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) bilang na ang araw ng mga kawatan sa gobyerno. Kapag napatunayan ang kanilang nagawang pagnanakaw, gugulong ang kanilang mga ulo! At tila hindi nagbibiro ang PAGC na pinamumunuan ni Chairwoman Constancia P. de Guzman. Desidido silang kalusin ang mga magnanakaw sa mga tanggapan ng pamahalaan kaugnay ng deriktiba ni President Arroyo na maputol ang graft and corruption.
Nasampolan ng PAGC ang dalawang government executives si Philippine Racing Commission (Philracom) chairman Jaime Dilag at National Dairy Authority (NDA) administrator Salvacion M. Bulatao. Sina Dilag at Bulatao ay kabilang sa 13 officials ng gobyerno na nirekomendang patalsikin sa puwesto dahil sa pagnanakaw ng pondo ng gobyerno. Ayon sa PGAC, ang dalawa ay lumabag sa anti-graft and corruption laws at nararapat lamang alisin sa puwesto.
Lumustay ng pondo si Dilag at nabuking nang isang hindi nagpakilalang complainant ang nagsumbong sa Office of the President may tatlong taon na ang nakararaan. Apat na taon ang termino ni Dilag sa Philracom at natapos ang kanyang termino noong August 2005. Milyong piso ang nakurakot ni Dilag mula sa Philracom sponsored horse races. Maraming irregular disbursements siyang ginawa mula sa mga unclaimed dividends na ginawa ng mga clubs. Bukod doon, sobra at hindi mabilang na irregular reimbursements ang kanyang ginawa para sa promotional expenses.
Pinatalsik naman si Bulatao sa NDA dahil sa pag-hire ng isang public relations office na walang ginawang public bidding.
Maaari nang palakpakan ang PAGC sa ginawang pagsibak sa dalawang opisyal at matutuwa pa ang taumbayan kung may mga ulo pang gugulong.