Pagkaing nagbibigay-buhay
May 5, 2006 | 12:00am
MAY kasabihan sa Ingles: "We are what we eat." Kung ano ang ating kinakain, iyon tayo. Kung tayoy palakain ng baboy, mas madaling lumaki at tumaba ang ating katawan. Kung palakain ng gulay, mas payat ngunit masigla ang ating katawan.
Sa Ebanghelyo sa araw na ito, ipinangangaral ni Jesus ang pagkain ng kanyang katawan at pag-inom ng kanyang dugo - nangangahulugan, ang pagtanggap ng Eukaristiya (Juan 6:52-59).
Nagtalu-talo ang mga Judio. "Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?" tanong nila. Kaya sinabi ni Jesus, "Tandaan ninyo: Kapag hindi ninyo kinain ang laman ng Anak ng Tao at ininom ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at akoy nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nitoy mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon."
Sinabi ito ni Jesus nang siyay nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.
Samakatwid, kapag madalas ang ating pagtanggap ng Eukaristiya o Banal na Komunyon, mas nagiging maka-Kristo at maka-Diyos tayo. Subalit maliban doon, ang katangian ng Eukaristiya ay: Kapag tinatanggap natin si Jesus sa Banal na Komunyon, hindi lamang Siya nagi-ging bahagi, ngunit ang mas totoo ay nagiging mas bahagi tayo ni Jesus. Tunay nga, si Jesus ang pagkaing nagbibigay-buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended