^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ano ang ginagawa ng LTFRB sa mga ‘bumibiyaheng kabaong’?

-
MAY ginagawa bang hakbang ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mabawasan ang mga bus na walang karapatan o kakayahang bumiyahe sapagkat aksidente ang kinahahantungan? O gumagawa lamang sila ng hakbang kapag nangyari na ang aksidente at marami na ang namatay? Saka lamang ba sila nagsasagawa ng mga pag-inspeksiyon kapag mga bangkay na ang mga pasahero ng bus at nagsisiiyakan na ang kanilang mga kamag-anak. Maraming malagim na aksidente na ang kinasangkutan ng mga pampasaherong bus pero marami pa rin sa mga ito ang yumayaot sa mga kalsada at pinagkakakitaan ng mga "ganid" na operators.

Noong nakaraang linggo, isang bus na naman ang nahulog sa bangin at pitong buhay na naman ang nasayang. Patungo sa Maynila ang RJ Transit galing Bicol nang mahulog sa bangin sa Pagbilao, Quezon. Binabaybay ng bus ang zigzag na kalsada nang mahulog. Naipit ang mga pasahero na naging dahilan para mamatay ang pito. Ilan sa mga namatay ay bata. Marami rin ang nasugatan. Wala silang premonisyon na ang biyaheng iyon ay magiging malagim.

Marami nang bus na naaksidente at namatay na pasahero at maitatanong kung talaga nga bang nagagawa ng LTFRB ang kanilang tungkulin para mainspeksiyon ang mga yumayaot na mga bus. Ganap ba nilang sinisilip kung may mga sapat na papeles ang mga bus na bumibiyahe?

Nang malaman umano ni LTFRB chairwoman Ma. Elena Bautista ang pangyayari, agad nitong hiningi sa LTO-Bicol ang inspection report ng RJ Transit. Sa inspection report makikita kung ang bus ay maaaring ibiyahe o hindi. Gayunman, sinabi umano ni Bautista na habang bini-verify ang mga papeles ng RJ Transit, hindi muna niya maaaring suspendihin ang operasyon ng RJ Transit. Hindi raw maaaring patigilin ang pagbiyahe ng RJ.

Kakatwa naman ang pasyang ito ni Bautista. Paano kung may mangyari na namang aksidente na ang sangkot na naman ay isang bus ng RJ Transit, patuloy pa rin ba niyang pagbibiyahehin ang mga ito. Hindi ba dapat ay huwag munang pagbiyahehin habang iniimbestigahan. Hindi naman marahil magtatagal ang beripikasyon. Ang mahalaga ay matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sasakay sa RJ.

Ningas kugon ang LTFRB na kung kailan may naaksidente nang bus at marami nang namatay saka lamang kikilos.

vuukle comment

BAUTISTA

BICOL

BINABAYBAY

BUS

ELENA BAUTISTA

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

GANAP

LAND TRANSPORTATION

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with