^

PSN Opinyon

Masyadong mahiwaga ang katahimikan ni Archbishop Oscar Cruz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGSULPUTANG parang kabute ang jueteng sa Pangasinan, ang home province ni House Speaker Joe de Venecia, noong Abril 24. Itinaon ng mga jueteng operator na umalis patungong abroad si Lingayen-Dagupan Arch. Oscar Cruz, ang chairman ng Krusada laban sa Jueteng, at nagbukasan nga ang illegal na negosyo nila. Itong pag-alis kaya ni Cruz ang naging hudyat para tatahimik na lang siya sa jueteng sa Pangasinan? Pero bumalik na sa bansa si Cruz kahapon at malalaman natin kung may basbas nga niya ang pagbukas ng jueteng sa sakop niyang probinsiya. At bakit hindi kumikibo si Pangasinan PNP director Sr. Supt. Allan Purisima sa pagbalik ng jueteng sa kanyang lugar? Hala ka Col. Purisima Sir, tiyak aalugin ka na naman diyan ng mga pulitiko dahil sa kapabayaan mo sa jueteng, he-he-he! Kababalik lang ni Purisima sa puwesto at malaki ang tsansang mapuruhan na siya dahil sa jueteng.

At dapat lang kumilos din itong si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao dahil pati pangalan niya, nakaladkad sa jueteng sa Pangasinan. Bukambibig kasi ni alyas Pidong Ocampo ng Mangaldan na pababayaan sila ni Purisima dahil pinsan niya si Lomibao. Si Ocampo kasi at sina Lito Millora at Benjie Torio, na umano’y mga associate rin ni Lomibao, ang tinatawag na national management o tagapamahala ng lingguhang intelihensiya ng jueteng sa Pangasinan, Get mo Gen. Lomibao Sir?

Kung sabagay, hindi lang sa Pangasinan bumalik ang jueteng. Maging sa probinsiya nina Tarlac Gov. Apeng Yap at Zambales Gov. Magsaysay ay nagbukas na rin ang jueteng nitong nagdaang mga araw,. Ang operator-financier sa Zambales ay si Peping Bildan samantalang si Bebot Roxas naman ang sa Tarlac, ang hepe ng pulisya natin sa Tarlac ay si Sr. Supt. Nick Bartolome, ang dating spokesman ng PNP, he-he-he!. Baka spokesman na ng jueteng ni Roxas itong si Bartolome? Baka lumabo na ang mata ni Arch. Cruz at hindi niya makita itong jueteng sa Zambales at Tarlac?

Mahiwagang masyado ang katahimikan ni Arch. Cruz sa jueteng, di ba mga suki?

Oo nga pala. Itong Zambales at Tarlac ay sakop ni Chief Supt. Alex Lapinid, ang director ng PNP PRO4. Baka kumukuha ng pabaon si Lapinid dahil napabalitang ipo-promote na siya sa Camp Crame sa darating na mga araw?

Kung namamayagpag sina Bebot Roxas sa Tarlac at Peping Bildan sa Zambales, ang mga financier naman sa Pangasinan ay sina Sibong Cayabyab alyas Bong C na taga-Dagupan City; Deo Jimenez ng Lingayen at Boy Bata, na native ng Batangas pero residente na sa ngayon ng Bugallon. Itong si Boy Bata pala ay close associate ni Mayor Orduna, na kilala rin umanong operator. Malakas na sampal kay Lingayen-Dagupan Arch. Cruz itong pagbukas ng jueteng nina Cayabyab at Jimenez sa mismong teritoryo niya, di ba mga suki? Pero may balita tayo, na itong sina Cayabyab, Jimenez at Boy Bata ay mga dummies lang ng isang bigtime operator na malakas sa PNP natin. Makikilala natin siya mga suki sa susunod na mga araw.

Para sa kaalaman ni Arch. Cruz ang bolahan ng jueteng sa District 2 ay sa bayan ng Urbiztondo, sa Bayambang naman sa District 3, sa Laoac sa District 5 at Umingan sa District 6. Umaabot pala sa P5 milyon kada araw ang kubranza sa Pangasinan kaya’t pinag-aagawan ito hindi lang ng mga jueteng operators kundi maging ng PNP officials natin. Tingnan natin kung may lason pa ang laway ni Cruz kung jueteng ang pag-uusapan? Ilabas mo na ang latigo mo Arch Cruz Sir. Abangan!

BEBOT ROXAS

BOY BATA

CRUZ

ITONG

JUETENG

LINGAYEN-DAGUPAN ARCH

PANGASINAN

PEPING BILDAN

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with