^

PSN Opinyon

Makabayan kung isali ang dayuhan

SAPOL - Jarius Bondoc -
TATLONG rason kung bakit konti ang pumapasok na foreign investors sa Pilipinas: (1) magulo ang ating pulitika, (2) marumi ang burokrasya, at (3) mabangis ang ating Konstitusyon sa dayuhan. Ang naging resulta nito sa nakaraang 19 taon: kakapusan ng trabaho at mababang kita, kaya 4 milyon sa 40-milyong Pilipino sa hustong gulang ay palaboy, at 10 milyon sa may trabaho ay kulang ang sahod. Ang epekto naman ng kawalan ng trabaho at kapos-suweldo ay karalitaan: isa sa bawat tatlong Pilipino ay dukha, at 2.54 milyon sa kabuuang 16 milyong pamilya ay nagkakasya na sa $1 (P50) lang kada araw.

Ibang-iba sa mga kapit-bansa. Nu’ng 1995, 2000 at 2003 sa Malaysia, $4.2 bilyon, $3.8 bilyon at $2.5 bilyon ang bumuhos na foreign investment. Sa Singapore sa mga taon na ‘yon, wow, $7.1 bilyon, $11.4 bilyon at $5.6 bilyon ang bumaha. Sa Thailand na halos kasinlaki ang populasyon natin, P2.1 bilyon, $2.4 bilyon at $1.9 bilyon ang sumirit. Sa Pilipinas, $1.5 bilyon, $1.3 bilyon at $319 milyon lang ang umambon. Sa Indonesia, miski nag-alisan ang mga dayuhan nu’ng 1997 Asian crisis, nakapaghanda dahil sa $4.3 bilyong pumasok nu’ng 1995.

Maayos ang pulitika sa Malaysia at Singapore; sa Thailand mabilis bumaba ang Prime Minister; sa Indonesia naging demokratiko na. Malinis ang burokrasya sa Malaysia at Singapore; sa Thailand medyo; Indonesia lang ang nakikipag-kumpitensiya sa atin sa katiwalian. Pero ang malaking kaibahan ng apat sa atin: bukas sila sa foreign investors; tayo halos sarado.

Ani economics professor Gonzalo Jurado, kung isali rin natin ang dayuhan, dodoble ang investments nila sa loob ng 3 taon. Dodoble rin ang kita natin sa loob ng 5-8 taon. Mabubura halos ang unemployment.

Ang hadlang lang dito ay mga tinaguriang "nationalist" economic provisions sa Konstitusyon. Ani Bernardo Villegas, economist din at kasali sa mga umakda ng 1987 Constitution, "makabayang kilos" ang pag-alis sa naturang "nationalist" provisions. Makabayan, dahil magdudulot ito ng sapat na trabaho at kita para sa masa, at maiaangat sila mula sa karalitaan.

ANI BERNARDO VILLEGAS

BILYON

GONZALO JURADO

KONSTITUSYON

PILIPINO

PRIME MINISTER

SA INDONESIA

SA PILIPINAS

SA SINGAPORE

SA THAILAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with