^

PSN Opinyon

Mayor Fernando, hanggang kailan magpapakaligaya si Bardot sa kaharian mo?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KAPAG tumaas ang bilang ng kriminalidad sa Mari-kina City, wala nang dapat sisihin pa si Mayor Maria Lourdes Fernando kundi itong dalang kamalasan ni alyas Bardot na lotteng at EZ2. Sa sobrang hirap ng buhay sa ngayon, marami sa taga-Marikina ang magbabakasakali sa pasugalan ni Bardot. At kapag naubos ang kaunti nilang ipon, saan pa ba babaling ang mga sugarol na taga-Marikina City kundi sa kriminalidad, di ba Mayor Fernando Ma’am?

Kaya habang nagka-problema si Fernando kung paano pagalawin ang pulisya niya para masawata ang tumataas na kriminalidad, ito namang si Bardot na taga-Pampanga ay pakuya-kuyakoy lang dahil tumatabo ang lotteng at EZ2 niya. ‘‘Ika nga, kinukulimbat niya ang mga barya ng taga-Marikina City samantalang hindi naman siya botante roon. Siyempre, kung gumagana si Bardot, aba hindi naman papayag si Sr. Supt. Manny Gaerlan, ang hepe ng pulisya na hindi siya maanggihan, di ba mga suki? Kung sabagay, si Gaerlan naman ang hahabol sa mga kriminal at hindi si Mayor Fernando, he-he-he! Hanggang kailan magpapakaligaya si Bardot sa kaharian ni Mayor Fernando?

Dahil sa pagbulgar ko nang namamayagpag na lotteng at EZ2 sa Marikina City kamakailan, aba nag-usap pala sina Bardot at ang kolektor ni Gaerlan na si alyas Nestor.

Ipinagyayabang ng dalawa na hindi nila papansinin ang ginawa kong pagsiwalat ng lotteng at EZ2 nila dahil hindi naman daw binibili ang diyaryo natin. Si Nestor kasi mga suki ay inirereklamo ng mga kausap niya bunga sa abot-langit kung manghingi ng linggu-hang intelihensiya, lalo na sa peryahan. Tanungin mo si Romy Caloocan, Mayor Fernando Ma’am at tiyak magugulat ka sa ’yong matutuklasan.

Kaya nagsama sina Bardot at Nestor para hakutin ang konting salapi ng mga alipores ni Mayor Fernando, na mukha namang walang magawa. Ibig sabihin ba nito, kung hindi kaya ng pagbubulgar ko na ipasara ang lotteng at EZ2 ni Bardot, eh inutil din si Mayor Fernando na labanan ito? He-he-he! Sa darating na mga araw ang kasagutan, mga suki?

Ayon sa mga suki natin diyan sa Marikina, umaabot pala sa P150,000 ang kubransa ng lotteng at EZ 2 ni Bardot sa isang araw. At ang base ng operation niya ay ang bahay ng kanyang kapatid sa Bgy. Nangka. Kinukuhang pilit ng aking mga suki ang address ng kapatid ni Bardot para igiya si Mayor Fernando at baka magbago ang isip niya at latiguhin niya itong lotteng at EZ 2 sa poder niya. Si Gaerlan? Huwag na nating asahan na aaksiyon siya mga suki dahil siyempre sa pakikialam ni Nestor.

Kaya lang nitong mga araw, mukhang lumabas na rin ang tunay na kulay ni Bardot. Ayon sa mga suki ko, hindi na nagbabayad ng tama si Bardot sa mga kabo niya kaya’t ayaw na siyang labanan. Pati lingguhang intelihensiya nito ay palagi na ring nadi-delay.

Ano ba ’yan? Mukhang pipitsugin na financier lang si Bardot. Magaling lang magyabang. ’Ika nga sa sasakyan, pasinok-sinok na itong takbo ng lotteng at EZ 2 ni Bardot at walang nakaaalam kung makakarating pa ito sa kanyang paroroonan. Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay ni Bardot.

Abangan!

BARDOT

FERNANDO

KAYA

LOTTENG

MARIKINA CITY

MAYOR

MAYOR FERNANDO

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with