Nagsasalita pa sina Pedro at Juan nang dumating ang mga saserdote, ang kapitan ng mga bantay sa templo, at mga Saduseo. Galit na galit sila sa dalawang apostol sapagkat ipinapahayag nila sa mga tao na si Jesus ay muling nabuhay at ito ang katunayan na muling mabubuhay ang mga patay. Kaya dinakip nila ang dalawa ngunit ikinulong muna hanggang kinabukasan sapagkat gabi na noon. Gayunman marami sa mga nakarinig ng kanilang pangangaral ang sumampalataya kay Jesus, at umabot sa limang libo ang bilang ng mga lalaki.
Kinabukasan, nagkatipon sa Jerusalem ang mga pinuno, ang mga matatanda ng bayan, at mga eskriba. Kasama nila si Anas na pinakapunong saserdote, si Caifas, si Juan, si Alejandro at ang buong angkan ng pinakapunong saserdote. Pinaharap nila ang mga apostol at tinanong, "Sa anong kapangyarihan o kaninong pangalan ninyo ginagawa ang mga bagay na ito?" Sumagot si Pedro, na puspos ng Espiritu Santo: "Mga pinuno, at matatanda ng bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling, talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong itoy nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus na taga-Nazaret. Siyay inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito "Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan." Kay Jesus lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao."
Sa ganang akin naman, paano natin ipinamamalas o ipinakikita sa ating buhay na tayo ngay naniniwala kay Jesus?