Isa pang mapagpakumbabang ginawa ni Jesus ay ang hugasan at hagkan ang mga paa ng 12 alagad. Sa mga sandaling iyon ay pinasok ni Satanas ang katawan ni Judas na nagkanulo kay Jesus. Tinanggap ni Judas sa mga punong Saserdote ang 30 pirasong pilak kapalit ng kanyang pagtatraydor. Dinakip si Jesus. Hinubaran, inalimura, hinampas, pinatungan ng koronang tinik at iniharap kay Poncio Pilato. Dahil walang makitang kasalan naghugas ng kamay si Pilato tapos ay pinapili ang mga Hudyo kung sino kina Jesus at Barabas, isang magnanakaw at mamamatay-tao ang dapat na palayain. Malakas ang sigaw ng mga Hudyo na si Barabas ang palayain at ipako sa krus si Jesus.
Dahil sa kasalanan ng tao kaya tiniis ni Jesus ang kalbaryo. Magsisi tayo sa mga nagawang kasalanan.