^

PSN Opinyon

Congrats Pasig City police!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI pa man nababasa ng madlang people ang QUESEJODA kolum ko sa PM newspaper, kapatid na diyaryo ng Pilipino Star NGAYON, na lumabas today ay nahuli na ang isa sa tatlong gagong pumatay kay Charlene Santos, ang bebot na inagawan ng cellphone habang nakasakay sa FX taxi sa may Pasig City.

Wala pang 24 hours matapos patayin si Charlene ay nasungkit ng mga lespu ni P/Supt. Romy Abaring, OIC ng Pasig Police si Ryan Corcuera, 22, a.k.a. Boy Mental, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik ang kamote. Ika nga, Boy Mental, kung tawagin dahil may shakol ang utak, he-he-he!

Sa bahay pala nadakma ang gago sa Rodriguez Compound, Tramo, Barangay Rosario, Pasig City. Salamat buhay ka pa!

Kung kikilos talaga ang mga lespu tiyak mahuhuli nila ang mga kriminal kahit na saan pa magtago ito dahil sa tindi ng kanilang mga asset.

Hindi ba Romy. Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga kapulisan mo sa Pasig sana laging ganito kapag may krimen nangyayari diyan o palengke ng shabu.

Buhayin ang mga nahuhuli at huwag ihatid kay kamatayan ang mga kamote para ikanta pa nila ang kanilang mga gagong kasamahan na nagtatago sa hustisya. Baka ikanta rin nila ang mga nakapatong na rakpadudels kung mayroon man.

Binakbakan ko ngayon araw sa QUESEJODA kolum ng Chief Kuwago sa PM newspaper ang nangyari kay Charlene naantig kasi ang puso ng mga kuwago ng ORA MISMO nang mabasa ang ginawa ng mga gago sa bebot. Sabog ang ulo nito nang bogahin ng kalibre .45 matapos tanggihan o palagan ni Charlene ang mga holdaper dahil ayaw niyang ibigay ang kanyang cell phone.

Mainit ang ulo ng mga kriminal ngayon panahon dahil Holy Week bukod sa mainit ang panahon alaws atik ang mga gago kaya hayun ang holdaper sa iba’t ibang lugar sa Metro-Manila.

Sana ang mga gago ay makalawit ni Satanas para sa impiyerno kayo magkita-kita ng mga kakosa ninyo. Dehins na kayo dapat panghinayangan pa para mabuhay dahil wala nang pagbabago ang mga istilo ninyo.

Sabi nga, magnakaw, manggahasa, pumatay etcetera ang nasa utak ninyong mga gago.

Pahirapan ang madlang people na gusto ninyong isahan para lamang sa kapritso ninyo sa sarili.

‘‘Hindi ba may karit si kamatayan?’’ Tanong ng kuwagong embalsamador.

‘‘Mayroon, bakit?’’ nailing na tanong ng kuwagong may sapal ang utak.

‘‘Sana ito ang kumalos sa mga gago,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Dapat nga, kamote.’’

BARANGAY ROSARIO

BOY MENTAL

CHARLENE

CHARLENE SANTOS

CHIEF KUWAGO

HOLY WEEK

PASIG CITY

PASIG POLICE

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with