^

PSN Opinyon

Pilipinas paraiso ng drug smugglers

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
SA halos magkasunod na talumpati ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Military Academy (PMA) at sa Philippine National Police Academy (PNPA), tinalakay niya ang "loyalty" at sinabi niya na dapat daw maging loyal ang mga sundalo at pulis. Loyal kaya kanino? Sa kanya kaya? Parang wala naman siyang "K" na magsalita ng ganoon, dahil alam naman natin na naging disloyal din siya kay dating President Joseph E. Estrada.

Sa loob ng apat na taon na pag-aaral ng mga cadets sa PMA at sa PNPA, natitiyak kong napag-aralan na nila ang "loyalty", ngunit sa wastong pananaw, dahil ang kanilang "loyalty" dapat ay sa Republika at hindi sa mga opisyal ng gobyerno, kasama na riyan ang kung sino mang nakaupong Presidente.

Bilang mga public officers, natural lamang sa mga kawal at parak na kumakalaban sa mga komunista dahil ang mga pulahan ay kalaban ng Republika, di ba? Dahil alam natin na ganyan talaga ang expected natin sa mga men and women in uniform, parang nakakagulat itong sinasabi ng Palasyo na ang opisyal daw ng Oakwood mutineers ay nakikipag-usap sa mga komunista, at higit pa riyan, sinasabi pa ng mga taga-Palasyo na may alliance na raw ang mga "destabilizers" at ang NPA.

Mahigpit na itinanggi naman ng mga Magdalo officers ang paratang na kinakaibigan na nila ang dapat nilang kalaban, at ang sabi nila, ayaw nga nilang magpagamit kahit kanino man, kaya nga daw sila gumalaw noon sa Oakwood, ay dahil ayaw nila ng ginagamit ang military sa maling paraan.

Panay ang pangako ni Mrs. Arroyo ng mga bahay at lupa sa mga sundalo at pulis, at halos lahat ay gusto na niyang ibigay sa kanyang panliligaw sa kanila, upang makuha ang kanilang kalooban. Ako naman, based sa mga nadidinig ko sa mga sundalo at pulis, hindi matatapos ang kanilang "restiveness" not until lumabas ang totoo kung ginamit nga ba o hindi ang military sa pandaraya sa election.
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 a.m. Email [email protected], text 09187903513, visit my website http://www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

OUR FATHER

PALASYO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

PRESIDENT JOSEPH E

REPUBLIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with