Ang pakikipag-debate kadalasan ay nauuwi sa pagkainis at samaan ng loob na sanay hindi umabot sa sukdulan kung hindi sila parehong ma-pride at nagkaroon sila ng mabuting ugnayan at komunikasyon. Dapat na ang manugang ay pakinggan ang mga sinasabi ng biyenan. Bagamat may mga puntos na hindi katanggap-tanggap huwag ipilit ang sariling opinion. Makabubuting ipaliwanag ng marahan at sabihin kung bakit hindi na napapanahon at wala ng relevance ang mga paraang inihayag ng mother-in-law. Sinabi na karamihan sa mga matatanda ay may wisdom na ibinabahagi sa mga kabataan pero meron ding kasabihan na may matatanda na tumanda na wala naming pinagkatandaan.
Likas sa Pilipino ang pagiging magalang. Bagamat hindi sang-ayon sa tinuran ng mga nakatatanda pakiisipin na may mahalagang bagay din silang ibinahagi sa pagmamahal, pagkalinga at concern sa lahat. Pakaisipin na anumang problema ay may solusyon at walang hindi nalulutas sa pamamagitan ng marahang pag-uusap.