Pangalagaan ang mga mata

Ang pagsusuot ng sunglasses ay makatutulong para mapanatili ang liwanag ng paningin, ayon sa optometrist na si Dr. Fe Flores-Cataquiz. Sinabi ni Dr. Cataquiz na ang chronic exposure ng mga mata sa ultra violet rays ng araw ay isa sa maa-gang sanhi ng katarata na numero unong dahilan ng pagkabulag.

Ayon sa optometrist ang cataract ay degenerative disease na karaniwang dumadapo sa mga nagkakaedad. Bukod sa katarata, isa pang dahilan ng pagkabulag ay ang tinatawag na error of refraction, subalit ang problemang ito ay malulunasan kung maagang natitingnan ng doktor. Ang error of refraction ang nagde-determine ng vision grade bukod pa sa normal na 20/20 at ito’y naitutuwid sa paggamit ng salamin o contact lenses.

Sinabi ni Dr. Cataquiz, na ang laser treatment ay nagbibigay sa isang may error of refraction ng 20/20 vision na hindi na kailangan pa ng corrective glasses o contact lenses subalit ang naturang proseso ay mahal kaya ipinapayo ni Dr. Cataquiz na pangalagaan ang mga mata.

Show comments