^

PSN Opinyon

Lingkod na nag-aalay ng buhay

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KUNG babasahin lamang ng mga nakaluklok sa ating pamahalaan ang Ebanghelyo para sa araw na ito, ma-rami silang mapupulot na yaman; at tiyak na kung kani-lang lilimiin ang sinasabi ni Jesus, magbabago ang uri ng kanilang panunungkulan.

Ang Ebanghelyo ay mula sa panulat ni Mateo (Mt. 20:17-25).

Nang nasa daan na si Jesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang 12 alagad. Sinabi niya sa kanila, "Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain, hahagupitin at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw."

Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Jesus. "Ano ang ibig mo?" tanong ni Jesus. Sumagot siya, "Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian — isa sa kanan at isa sa kaliwa." "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi," sabi ni Jesus sa kanila. "Matitiis ba ninyo ang hirap na titiisin ko?" "Opo," tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na titiisin ko’y titiisin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama."

Nang marinig ito ng 10 alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."

Ang tunay na pinuno ay totoong naglilingkod at handang ilaan ang kanyang buhay para sa pinaglilingkuran.

ANAK

ANG EBANGHELYO

HENTIL

JESUS

NANG

NGUNIT

NINYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with