Nang nasa tamang edad na si Pepe, nagsampa siya ng kaso sa korte laban kay Serapio upang ibenta muli sa kanya ang lupa sa parehong halaga. Hindi ito pinayagan ng korte dahil ang karapatan ni Pepe na bilhin ang lupa ay lumipas na ayon sa Commonwealth Act 141, kaya hindi na niya inapela pa ang kaso.
Makalipas ang 24 na taon, nagsampa naman si Lina ng kaso laban kay Mila, asawa ni Serapio na namatay na; at hiniling sa korte na utusan si Mila na ibalik sa kanya ang kalahating bahagi ng lupa dahil kapwa may-ari rin siya nito. Aniyay nalaman lamang niyang may-ari rin pala siya ng lupa noong makaraang taon lamang. Maaari bang makuha ni Lina ang kalahating parte ng lupa na pagmamay-ari rin niya?
MAAARI. Nang mamatay si Venancio, wala pang bisa ang bagong Kodigo Sibil (Civil Code), kaya ang lumang Kodigo Sibil ang masusunod. Sa Artikulo 939 ng lumang Kodigo Sibil, sinasaad na kung walang lehitimong taga-pagmana, ang kinikilalang anak ang magmamana nang ari-arian ng namatay na. Nakasaad din sa Artikulo 932 na ang mga anak ng namatay ay may karapatang magmana at kinakailangang hatiin ng pantay ang kanilang mamanahin. Nang mamatay si Venancio noong August 12, 1943, kinilala sila Pepe at Lina bilang mga anak niya, kaya ayon sa Artikulo 939, silay tagapagmana ng lupa na hahatiin ng pantay sa kanilang dalawa na hindi kasama sina Emilia at Juana dahil hindi naman sila kinikilalang asawa ni Venancio ayon sa batas.
Kaya ang nabili ni Serapio kay Pepe sa pamamagitan ni Delia, ay kalahati lang ng lupa dahil ito lang ang pag-aari niya (Balido-Montero vs. Septimo G.R. 149751. March 11, 2005).