Naisip nyo na ba ang magiging katayuan ng mundo kung walang mga kababaihan? Natatalos nyo ba ang napakahalagang papel ng ating Mahal na Inang si Maria sa buhay ni Jesus?
Nang itinatag niya ang isang ospital sa Granada, Spain, pumili siya ng mga kaagapay niya na nagbuo ng Order of Hospitallers of St. John of God. At ang naturang ospital ang naging panuluyan ng lahat ng uri ng maysakit: Mga pilay, ketongin, pipi, nasisiraan ng bait, paralitiko, mga matatandang hindi na matulungan ang sarili, mga batang maysakit, kasama na rin ang mga naglalakbay na walang matuluyan. Ni hindi sila tumatanggap ng anumang kabayaran. Ang kanilang itinutustos sa mga maysakit ay mula sa perang inutang ni San Juan de Dios mula sa maaaring mautangan.
Ayon pa sa kanyang sariling sulat, kadalasan sobrang laki na ng kanilang pagkakautang kung kayat hindi na siya lumalabas sa kanilang tinitirhan sa takot na baka dakpin na lang siya ng kanyang mga pinagkakautangan. Gayunpaman, nagtitiwala siya kay Jesus na gumagabay at tumutulong sa kanila. Nasabi pa nga niya, "Kahabag-habag ang isang taong nagtitiwala sa tao sa halip na kay Jesus." Alam niya na sa gustuhin man ng tao o hindi, darating ang panahon na malalayo tayo sa tao, datapwat si Jesus ay matapat at palaging magiging kasa-kasama mo, sapagkat siya ang nagbibigay ng lahat-lahat.
Si San Juan de Dios ay mas kilala dahilan sa kanyang pagkakawanggawa sa mga mahihirap, lalo na ang mga maysakit. Namatay siya sa Granada noong 1550.