^

PSN Opinyon

DWIZ reporter vs US wrestler’s security aide

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG blow by blow account sa totoong nangyari sa naganap na kaunting gusot sa pagitan ni Raoul Esperas, ng DWIZ at ABS-CBN stringer versus Barrie white este mali Knight pala, ang US of A wrestler’s security aide ng World Wrestling Entertainment noong nakaraang Huwebes ng morning sa NAIA Terminal 2.

Ika nga, walang kampihan todits ang totoo lang!

Four o’clock in the morning last Thursday nang magkita-kita kami sa arrival area ng NAIA Terminal 2 para i-cover ang mga wrestlers ng World Wrestling Entertainment kasama ng Chief Kuwago sina Esperas, NPC Director at NAIA Press Corps Inc. Prez Jerry S. Yap, Edwin Alcala, ng Hataw, Rudy Santos, photographer ng Philippine Star at Rudy Genteroy, photographer ng People’s Journal. Sabi nga, wala ng ibang reporters!

Nang dumating ang Philippine Airlines flight 103 from LA dakong 4:50 ng madaling-araw sakay ang mga wrestlers todits ay may very special treatment ang inilaan para sa kanila.

Sabi nga, special lane sa Bureau of Immigration, special baggage conveyor na ginawang exclusive para kunin ang kanilang mga bagahe at special exit door kasi sa Presidential lounge sila dumaan patungo sa kanilang mga sasakyan.

Ang lahat ng pasaherong kasama ng mga wrestlers sa aircraft ay sa ibang lugar itinaboy.

P16,000 ang ibinayad pala ng organizers nito sa MIAA para sa special treatment.

Naku ha!

Nagkaroon ng problema sina Raoul at si Barry white este mali Knight pala dahil ayaw pakunan ng video ng huli ang mga foreign wrestlers.

Sinabihan pa si Raoul ng ‘‘you brown monkey’’? Kaya naman gumanti rin ang Pinoy media ng maaanghang na salita versus Barry.

Dahil todits, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya pati si Mick Folley ay nabanas kay Raoul dahil sa anghang na salita din nito sa English.

Sabi nga, f… you, nigger!

Ang pinagtatakhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ay kung bakit ang in-house media ay pinagbabawalan komober samantala ang mga taong dumating ay mga celebrities at ang NAIA ay isang public place.

Hindi totoong dinumog ang mga wrestlers ng kanilang mga fans dahil kaunti lamang ang tao sa special lane ng mga oras na yon.

Mabibilang sa daliri ang mga batang tuwang-tuwa nang makita nila ang kanilang idol siyempre kasama todits ang anak ng Chief Kuwago.

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga wrestlers lalo na si Mick Folley dahil pinaunlakan nito ang mga bata at mga damatan na pumirma ng autograph.

Mababait at magagalang ang mga wrestlers dahil sabi ng iba sa kanila ay masaya sila at nakarating sa Pinas.

‘‘Isa pa sa mga inangalan ay si Gus de Castro, isang organizer dahil itinataboy niya ang mga batang paslit na nakikipag-kamayan sa mga idol nila,’’ anang kuwagong haliparot.

‘‘Hindi sana magkakaroon ng gusot kung hindi nila ininsulto si Raoul,’’ sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘May isa pa palang gagong miyembro ng Industrial Security Guard na nagpaikot sa Chief Kuwago,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kailangan kasi magkaroon ng media briefing para hindi na maulit ang mga alingasngas sa coverage.’’

Tinawagan kasi ang media para i-cover ang pagdating ng wrestlers sa NAIA,’’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Ganoon pala kamote anong problema nila?’’

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF KUWAGO

DAHIL

EDWIN ALCALA

MICK FOLLEY

RAOUL

SABI

WORLD WRESTLING ENTERTAINMENT

WRESTLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with