^

PSN Opinyon

Ano kaya ang mensahe?

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Hindi pa natatapos ang usapin tungkol sa stampede na nangyari sa dating Ultra, narito na naman ang isang trahedya na tunay na kalunus-lunos: Ang pagkakabaon ng mga tao sa putik na dumalusdos mula sa isang bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southern Leyte.

Sa mga dumarating at lumalabas na balita, ang Southern Leyte ay nasa "fault line" o bitak na pinanggagalingan ng lindol. At sinasabi ring may nangyaring lindol ng mga panahong gumuho ang putik sa dalisdis ng bundok, maliban sa tuluy-tuloy na ulan sanhi ng bagyo. At may karagdagan impormasyon pa rin na nagsasabing walang-tigil ang pamumutol ng kahoy sa lalawigan ng Leyte, kung kaya’t ang bunga ay ang nangyaring trahedya.

Anu’t anuman ang kadahilanan o sanhi ng pangyayari, maitatanong ng isang tao sa sarili: Ano kaya ang mensahe sa atin ng trahedyang ito?

Sa mga matatanda na aming nakukunan ng mga kuru-kuro, sinasabi nila na ito raw ay babala ng kalikasan sa patuloy na pagwawalang-bahala ng tao sa kapaligiran. Na ito raw ay senyales ng mas malalaki pang trahedyang mangyayari, kung hindi natin muling ibabalik ang ating paggalang sa kalikasan. Sa iba naman, ito raw ay "resbak" na ng kalikasan dahilan sa mga nakaraang pagsasamantala at pagsira sa ating kalikasan.

Sa isang banda, tunay na palaisipan ang mga pangyayari. Ano kayang di-magandang nangyayari sa lipunan at may trahedyang ganito na nangyayari? O maaari ba nating sabihin na ang trahedya ay bahagi na ng buhay, kung kaya’t kailangang harapin ito at ituring na lamang na ganoon — trahedya?

Anuman ang ating kasagutan sa katanungan, ang punto ay: Kailangang matulungan ang mga tao, kanilang mga pamilya at ang mga biktima ng trahedyang ito. Nasa bawat isa sa atin ang pagkilos hinggil sa nangyaring trahedya sa Southern Leyte.

vuukle comment

ANO

ANU

ANUMAN

BGY

GUINSAUGON

KAILANGANG

SOUTHERN LEYTE

ST. BERNARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with