TAMA . Halintulad sa Estado, ang pamahalaang lokal ay maaring gumamit ng kapangyarihan ng pulisya (police power) kung may sumusunod na pangangailangan: (1) alang-alang sa interes ng publiko na kailangang pahimasukan para na rin sa kanilang kabutihan; at (2) naaayon at makatwiran na pamamaraan upang matugunan ang problema na hindi magpapahirap sa kaninuman. Sa kasong ito, ang oridnansa ay ipinatutupad upang maresolba o magkaroon ng solusyon ang trapiko sa lungsod ng Lucena.
Ang kaayusan at solusyon sa problema ng trapiko. Kaya ito ay para sa pampublikong interes.
Ngunit hindi makatuwirang pamamaraan na ipasara ang mga terminal ng bus na nasa loob ng lungsod at gamitin ang istasyon ng LGCT bilang terminal nila. Ang hinihingi lamang sa problemang ito ay mabigyan ng solusyon at maayos ang trapiko sa lungsod at hindi ang pagsara at pagtanggal ng mga terminal. Kung tutuusin, hindi naman matutugunan ang problema sa trapiko kung papasara ang mga terminal.
Ang walang kaayusan sa pagsakay at pagbaba ng mga tao sa pampasaherong sasakyan ang madalas na nagiging dahilan upang magkaroon ng trapiko sa isang lugar. Masyadong mabigat ang hinihingi ng ordinansa na kahit pa mayroong terminal na maari pang gamitin maliban sa LGCT. Dapat sanay nagtakda lang ito ng mga tamang alituntunin sa paggamit ng terminal. Karagdagan pa rito, kung ang LGCT lang ang maaring gamiting terminal, siguradong may mga babayaran tulad ng upa, terminal fees at iba pang singilin na magdudulot ng pa-sakit sa isang indibidwal.
(Lucena Grand Central Terminal Inc. vs. JAC Liner, Inc. G.R. 148339, February 23, 2005, 452 SCRA 174).