^

PSN Opinyon

Sa mga hindi makatulog at pinahihirapan ng gout

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PROBLEMA ba ninyo ang hindi kaagad makatulog sa gabi at maaga namang nagigising sa umaga? Kung nararanasan n’yo ang mga ito, narito ang mga tips ng eksperto:

• Dapat na magkaroon ng regular sleep wake cycle araw-araw.

• Kapag magising sa hatinggabi, dapat na manatiling nakahiga, nakapikit ang mga mata at huwag sindihan ang ilaw. Sa paraang ito, muli kayong makakatulog.

• Iwasang uminom ng alak at kape bago matulog.

• Sa mga may insomnia, huwag nang matulog sa tanghali at lalo na bago magtakip-silim dahil mahihirapan na kayong makatulog sa gabi.
* * *
Dahil sa sobrang uric acid sa katawan kaya nagkakaroon ng gout. Namamaga, namumula at makirot ang gout lalo na ang nasa bukung-bukong ng paa at kasukasuan at tuhod.

Ayon kay Dr. Romy Orteza ng Santa Teresita General Hospital sa Quezon City, mas maraming lalaki ang may gout kaysa sa mga babae. Karamihan ay mga lalaking may edad 30 hanggang 50 anyos.

Namamana ang gout at ang iba nama’y nagkaka-gout dahil sa sobrang pag-inom ng beer at pagkain ng mga lamang-loob gaya ng isaw, sisig, chicharon bulaklak, balunbalunan, atay at beans. Iwasan din ang pagkain ng tahong, talaba, dinuguan, dilis at bagoong. Ang mga pagkaing ito ay nagpapalala sa gout.

AYON

DAHIL

DAPAT

DR. ROMY ORTEZA

GOUT

IWASAN

IWASANG

QUEZON CITY

SANTA TERESITA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with