Congrats sa mga newly installed officers na sina Worshipful Master Peter Demetria, SW Rogelio Gevero Jr., JW Omar Equiza, VW Arsenio Torres Jr., treasurer, Basilio Afuang, Secretary, VW Dennis Gabionza, Jonathan Florendo, chaplain, Godo Velarde, Marshall, Alden Bait, senior deacon, Danieve Binsol, junior deacon, VW Saul Exmundo, orator, Roel Demetria, almoner, VW Luis Reyes Jr., lecturer, Jonathan Orozco, cust/works VW Pong Lustre, historian, Erwin Ortanez, senior steward, Fortunato Manahan Jr., junior steward, VW Santiago Gabionza Jr., orator, Jose Gabionza, tyler at VW Jerome Gabionza, harmony officer. Sabi nga, Brotherly Love, Relief and Truth!
Ang isyu, hindi pa man dumarating sa Office of the Ombudsman ang mga documents regarding sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa P728 million Ginintuang Masaganang Ani (GMA) fertilizer fund scam ay humirit agad si Anakpawis Congressman Rafael Mariano na mag-inhibit si Chief Ombudsman Merceditas Gutierrez para sa kasong ito.
Magkakaroon daw ng whitewash kapag si Gutierrez ang magpapa-imbestiga sa nawalang funding para sa mga farmers dahil ang una ay classmate take note kaklase ni Unang Ginoo Mike Arroyo sa Law school. Sabi nga, for delicadeza!
Sino kaya ang gusto ni Mariano na humawak o mag-imbestiga sa scam kung itche-puera si Gutierrez?
Ang Deputy Ombudsman ay si Margarito Gervacio, kaya malamang na ito ang mag-lead sa investigating panel kapag nagkataon kung dehins kasali todits si Gutierrez.
Patay sila kay Gervacio dahil alam ko ang integridad nito at kakayahan sa pagtugis ng mga corrupt officials sa government. Si Gervacio, ay walang political affiliation kahit narating niya ang kanyang puwesto bilang deputy Ombudsman sa pamamagitan ng kanyang kahusayan at integrity. Sabi nga, rose from the rank ng alaws padrino at backer!
Hindi bata ni FG Arroyo si Gervacio kaya nga dalawang beses siyang naapakan at hindi nakuha ang puwestong Chief Ombudsman. Kung ito ang mag-iimbestiga nakakatiyak ang madlang people na hindi siya maiimpluwensiyahan ng kahit sinuman. Ika nga, may yagbol si Gervacio.
Dapat kalkalin nang todo ng Office of the Ombudsman ang scam regarding Ginintuang Masaganang Ani para malahad sa bayan kung sinu-sino ang nakinabang at nangumisyon sa nasabing kickback. Sabi nga, spare no one!
The Law applies to all otherwise one at all! Tama ba, Senator Fred Lim, my idol!
Maganda ba ang kalalabasan ng imbestigasyon sa fertilizer scam? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Siguro kapag nag-umpisa na! sagot ng kuwagong sulsol.
Marami bang sasabit sa fertilizer scam na nangumisyon sa kickback? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Tiyak iyon kamote sangkaterba ang inakusahan todits na taga-Kamara at Local officials?
Dapat bang subaybayan ito ng madlang people?
Siyempre kamote dahil ang mga farmers natin ang nakotongan dito!