Tuso talaga ang monkey queen
February 7, 2006 | 12:00am
MABIGAT ang problema ng Monkey Queen, lahat ng suliranin ay nagsusulputan at talagang tumitindi ang galit ng mga taong nasasakupan niya. Mainit na mainit na rin ang mga bata at makaTAOng mga opisyal at kalat na kalat ang balitang coup deta.
Nadagdagan pa ito ng matinding pangangailangan na mamahagi ng ginto at diamond studded na saging na pinamamahagi sa mga kaalyado, kakampi, kasangga, kapuso, kapamilya, kapartido, kasabuwat, ka PHONE PAL, kakutsaba, tuta, sipsip at linta kaya bilang pahirap ay nagpataw pa sila ng bagong buwis na pinayagan ang Money este Monkey Queen na mang-RVAT ng anumang natitirang karampot na ari-arian ng mga TAO.
Bagamat alam nilang maaaring magsilbing mitsa ito ng gulo mula sa sangkaTAOhan, puwersada ang Monkey Queen na nakatira sa Palasyo sa tabi ng ilog na ngayon ay pinangalanang ILOG GANID.
Hindi sila nag-alala dahil hawak naman nila ang mga linta, sipsip, tuta at nais maging matsing na mga heneral ng kaPulisan at kaSundaluhan. Katuwiran nila, gintong saging at diamond studded na saging lang ang kapalit ng loyalty ng mga opisyal na yan.
Tama nga ang mga matsing dahil pagkatapos na pagkatapos mamigay ng mga ginto at diamong studded na saging ay muling pinatupad ang CPR o Casahan Pag nag Rally ang mga TAO.
Sinundan pa ito ng mga bagong lider ng simbahan ng mga TAO na hindi nabili ng ginto at ibang uri ng panunuhol na ngayoy nananawagan ng katotohanan tungkol sa Hello Money este Monkey phone conversation.
Dagdagan pa ng patuloy na imbestigasyon tungkol sa nawawalang bilyun-bilyong piso ng halaga ng fertilizer ng palay at gulay na pinambili pala muli ng ginto o diamond studded na saging na pinamahagi naman sa mga kapartido, tuta, kakampi, kaalyado, linta at sipsip na mga manggaGATAS.
Sunud-sunod talaga ang suliranin kayang tarantang-taranta sila. Alam nilang magulo at nag-uumapaw ang galit ng mga TAO kaya meeting muli sila at dito pinakinabangan ni Monkey Queen ang kanyang bagong Boylet. Matalinong TAO ito, halos kasinglaki ng Monkey Queen pero tuso rin na parang matsing.
Desperado sila kaya pinatupad nila ang oplan COUNT THE DEAD ni Boylet. Sabi nga sa wikang English, desperate times calls for desperate measures.
Naghanap sila ng bagay o isyu kung saan puwedeng pansamantalang makalimutan ng TAO ang mga suliraning nagpapatindi ng galit nila, diversionary tactic ang suggestion ni Boylet at diyan nila naalala na malapit na pala ang anibersaryo ng Bow Wow Wow.
Ang selebrasyon sa anibersaryo ng Bow Wow Wow ay tiyak na dudumugin ng TAO. Sikat na sikat ito kahit sa mga balikbansang naaawa sa kanilang mga kapamilya at namimigay ng tulong.
Bagamat hindi kalakihan ang halaga, malaking bagay ito sa mga TAOng ultimo kakainin sa pang-araw-araw ay pinoproblema. Nagpadala ng maraming mga alagad na tuta at lintang mukhang tao si Boylet upang humalo sa pila ng mga TAOng nais sumali sa Bow Wow Wow.
Umaga ng anibersaryo, siksikan na ang lugar kung saan gaganapin ang anniversary show at party, biglang nagsisisigaw ang tuta at linta ni Boylet. Kagulo ang mga nakapila, stampede at maraming patay, kulang kulang 100. Karamihan mga bata at matanda. Ang bilang ng nasugatan ay ilang doble pa nito.
Buong mundo natuon ang pansin dito, mula sa CNN, BBC at lalo na ang mga local na networks. Nakalimutan ang gutom, arvat, fertilizer, paghanap sa katotohanan ng Hello Money at iba pa.
Tagumpay ang OPLAN COUNT THE DEAD, panahon upang muling magdiwang pero teka, kulang pa. Kailangan sagarin ang drama, punta si Monkey Queen sa lugar kasama ng Boylet at iba pang bataan.
Malungkot, nag-aalala at kinausap ang mga kapamilya ng mga patay at mga biktimang sugatan. Nagpakita ng concern, nagkunwaring Ate Gorilla.
Ungguyan na naman, nakalimot na naman ang malilimuting mga TAO. Matalino na tuso talaga ang MONKEY QUEEN!!!
Ang kuwentong ito ay parang Bato Bato sa Langit, pero ang Tamaan Tiyak Sapol. Kung sinuman ang naniniwalang sila ang pinatutungkulan nito, umaamin siguro kayo na isa kayong matsing, unggoy, kasabwat, tuta, linta o sipsip at definitely GUILTY. Kung tablan kayo, natural lang yon dahil masakit at mapait talaga ang katotohanan. Aray! Ouch! Aaw!
Kay WCY, ET at Henry maraming salamat sa ideyang binigay nyo at nagkaroon ng karugtong ang kuwento ng patuloy na laban ng TAO at ng Monkey Queen. Maraming Salamat at Mabuhay kayong lahat.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.
Nadagdagan pa ito ng matinding pangangailangan na mamahagi ng ginto at diamond studded na saging na pinamamahagi sa mga kaalyado, kakampi, kasangga, kapuso, kapamilya, kapartido, kasabuwat, ka PHONE PAL, kakutsaba, tuta, sipsip at linta kaya bilang pahirap ay nagpataw pa sila ng bagong buwis na pinayagan ang Money este Monkey Queen na mang-RVAT ng anumang natitirang karampot na ari-arian ng mga TAO.
Bagamat alam nilang maaaring magsilbing mitsa ito ng gulo mula sa sangkaTAOhan, puwersada ang Monkey Queen na nakatira sa Palasyo sa tabi ng ilog na ngayon ay pinangalanang ILOG GANID.
Hindi sila nag-alala dahil hawak naman nila ang mga linta, sipsip, tuta at nais maging matsing na mga heneral ng kaPulisan at kaSundaluhan. Katuwiran nila, gintong saging at diamond studded na saging lang ang kapalit ng loyalty ng mga opisyal na yan.
Tama nga ang mga matsing dahil pagkatapos na pagkatapos mamigay ng mga ginto at diamong studded na saging ay muling pinatupad ang CPR o Casahan Pag nag Rally ang mga TAO.
Sinundan pa ito ng mga bagong lider ng simbahan ng mga TAO na hindi nabili ng ginto at ibang uri ng panunuhol na ngayoy nananawagan ng katotohanan tungkol sa Hello Money este Monkey phone conversation.
Dagdagan pa ng patuloy na imbestigasyon tungkol sa nawawalang bilyun-bilyong piso ng halaga ng fertilizer ng palay at gulay na pinambili pala muli ng ginto o diamond studded na saging na pinamahagi naman sa mga kapartido, tuta, kakampi, kaalyado, linta at sipsip na mga manggaGATAS.
Sunud-sunod talaga ang suliranin kayang tarantang-taranta sila. Alam nilang magulo at nag-uumapaw ang galit ng mga TAO kaya meeting muli sila at dito pinakinabangan ni Monkey Queen ang kanyang bagong Boylet. Matalinong TAO ito, halos kasinglaki ng Monkey Queen pero tuso rin na parang matsing.
Desperado sila kaya pinatupad nila ang oplan COUNT THE DEAD ni Boylet. Sabi nga sa wikang English, desperate times calls for desperate measures.
Naghanap sila ng bagay o isyu kung saan puwedeng pansamantalang makalimutan ng TAO ang mga suliraning nagpapatindi ng galit nila, diversionary tactic ang suggestion ni Boylet at diyan nila naalala na malapit na pala ang anibersaryo ng Bow Wow Wow.
Ang selebrasyon sa anibersaryo ng Bow Wow Wow ay tiyak na dudumugin ng TAO. Sikat na sikat ito kahit sa mga balikbansang naaawa sa kanilang mga kapamilya at namimigay ng tulong.
Bagamat hindi kalakihan ang halaga, malaking bagay ito sa mga TAOng ultimo kakainin sa pang-araw-araw ay pinoproblema. Nagpadala ng maraming mga alagad na tuta at lintang mukhang tao si Boylet upang humalo sa pila ng mga TAOng nais sumali sa Bow Wow Wow.
Umaga ng anibersaryo, siksikan na ang lugar kung saan gaganapin ang anniversary show at party, biglang nagsisisigaw ang tuta at linta ni Boylet. Kagulo ang mga nakapila, stampede at maraming patay, kulang kulang 100. Karamihan mga bata at matanda. Ang bilang ng nasugatan ay ilang doble pa nito.
Buong mundo natuon ang pansin dito, mula sa CNN, BBC at lalo na ang mga local na networks. Nakalimutan ang gutom, arvat, fertilizer, paghanap sa katotohanan ng Hello Money at iba pa.
Tagumpay ang OPLAN COUNT THE DEAD, panahon upang muling magdiwang pero teka, kulang pa. Kailangan sagarin ang drama, punta si Monkey Queen sa lugar kasama ng Boylet at iba pang bataan.
Malungkot, nag-aalala at kinausap ang mga kapamilya ng mga patay at mga biktimang sugatan. Nagpakita ng concern, nagkunwaring Ate Gorilla.
Ungguyan na naman, nakalimot na naman ang malilimuting mga TAO. Matalino na tuso talaga ang MONKEY QUEEN!!!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended