^

PSN Opinyon

Alay Lakad ng seniors

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ngayo’y malapit na ang Pebrero Dose,

Sa araw na ito’y may bagong diskarte

Ang senior citizens -— Sampaguita Village

Upang makalikom ng pondong malaki!

Sa nasabing araw magsisipaglakad

Matanda at bata ng village na tanyag;

Ah "Walk for a Cause" ang dito ay tawag

Walang pinipili —- kasali ang lahat!

Ang sponsor nito’y ang senior citizens

May bagong gusali at maraming members;

Hindi ito peke sa kanyang layunin

Pagka’t pera nito’y laan sa magaling!

Ang mga kasapi na nagsisiyao

Itong asosasyon ay may laang pondo;

Sa mga maysakit natulong din ito

Lalo’t malubha na saka peligroso!

Dahil sa ang pondo’y mabilis maubos

Officers at members nagkaisang lubos;

Isang "Alay Lakad" sa baya’y ihandog

Upang makalipon ng pondong panggastos!

Maglalakad kami -— matanda at bata

Na taglay sa puso ang dakilang nasa;

Sana’y sumama rin maykaya at wala

Mga asosasyong mapagkawanggawa!

Paglalakad ito na pam-Valentines Day

Dalwang araw na lang ito’y sasapitin;

Puso ng matanda’y walang pagmamaliw —

Kung katuwang nila kabataan natin!

Kaya panawagan sa lahat ng tao:

Ating matatanda ay tulungan ninyo;

Mayaman at dukha pati pulitiko

Di kayo exempted sa gawaing ito!

vuukle comment

ALAY LAKAD

DAHIL

DALWANG

ISANG

ITONG

PEBRERO DOSE

SAMPAGUITA VILLAGE

UPANG

VALENTINES DAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with