Samantala, nang ipinakita ng ECN ang tseke sa FEBTC noong May 17, 1993, tumalbog ito sa dahilang "Account Closed." Pinadalhan ng ECN si Jimmy ng notice of dishonor at hiniling na palitan ito ng pera o kaya ay makipag-ayos ito. Nang walang ginawa si Jimmy tungkol dito, sinampahan siya ng ECN sa Municipal Trial Court (MTC) ng kasong paglabag sa Bouncing Checks Law (BP22). Matapos ang paglilitis, nahatulan ng MTC si Jimmy na anim na buwang pagkakakulong at naatasan ding bayaran ang ECN ng P296,736.27. Tama ba ang hatol ng MTC?
MALI. Ang tseke na may petsang January 15, 1993 ay pinapalitan lamang sa banko noong May 17, 1993 kung saan ito ay tumalbog o lampas ng 90 araw mula nang inisyu ang tseke. Dahil dito, hindi maipapalagay na alam ni Jimmy na walang pondo ang tseke nang inisyu niya ito. Wala ring ipinakitang ebidensyang ang naghahabla kaya mali ang naging hatol ng korte. Gayunpaman, kailangan pa ring bayaran ni Jimmy ang ECN ng P296,736.28 bilang halaga ng tseke na kanyang inisyu dahil napatunayan ito sa aspetong sibil na isa ito sa tatlong tseke na kanyang inisyu bilang pag-aayos sa kanyang utang sa ECN ( Dico vs. Court of Appeals, G. R. 141669, February 28, 2005, 452 SCRA 441).