Karapatan ng OFWs bumoto
January 23, 2006 | 12:00am
ILANG beses na akong tinanong ng mga grupong overseas Filipino workers: Sa pagpanukala ba namin sa Consultative Commission ng pagbago ng presidential-bicameral tungo parliamentary-unicameral, tinanggalan ba namin sila ng karapatang bumoto?
May bahid ng damdam ang tanong, dahil matagal at masidhing ipinaglaban ng OFWs ang unang overseas voting nung 2004. Humalal sila ng Presidente, Bise at 12 senador (mga pambansang posisyon), pero hindi ng kongresista, mayor, provincial board member, at konsehal (mga lokal). Mawawala ang Bise at mga senador sa parliamentary-unicameral, at ang Presidente ay hihirangin mula sa Parliament ng mga miyembro nito. Kaya, wala na bang karapatan bumoto ang OFWs? May limang hakbang ang sagot ko.
Una, sa citizenship, pinanukala naming panatilihin ang dual citizenship. Kaya, ang mga rehistradong dual citizens ay maaring bumoto.
Ikalawa, tinalakay namin ang overseas voting dahil may nagsaad sa Con-Com na pumalpak ito nung 2004. Matapos ang matinding debate, pinanukala naming panatilihin ang overseas voting.
Ikatlo, ang paghalal sa miembro ng Parliament ay mula sa distrito at sa sektor. Wala itong pinagkaiba sa kasalukuyang party-list voting.
Ikaapat, pinanukala namin na ang mga sektor ay ang manggagawa, magsasaka, maralitang tagalunsod, beterano, katutubo, kabataan, kababaihan, may kapansanan, at iba pang maaring idagdag ng Parliament, puwera lang relihiyon. Malinaw na ang 7.5 milyong OFWs ay kabilang sa manggagawa. Maari ring gawing bukod na sektor ang .5 milyong overseas Filipinos na may iba nang citizenship pero nagrehistrong Pilipino.
Ikalima, 30% ng Parliament ay manggagaling sa mga sektor. Ibig sabihin nito, kung magtayo ng partido ang 7.5 milyong OFWs at ang .5 milyong overseas Filipinos, maari silang magpuwesto ng dose-dosenang representante sa Parliament. Maitataguyod nila ang interes ng sektor nila. Mahirap ito gawin, pero posible. Wala namang madali sa mundong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest