^

PSN Opinyon

RP: Government run like hell by Americans?

- Al G. Pedroche -
NAG-UUMINIT na isyung pinagtatalakayan ang pagbuwag sa VFA o Visiting Forces Agreement. Ito’y mata-pos tandisang tanggihan ng embahada ng Amerika ang warrant of arrest laban sa apat na US servicemen na nahaharap sa kasong rape.

Simula na ba ito ng pag-asim ng relasyon ng Pilipinas at Amerika? Inirerekomenda ng joint congressional committee kay Presidente Arroyo na lansagin na ang VFA dahil masyadong naaalipusta ang dignidad ng ating bansa at ng mga Pilipino.

Pero tingin ko, sa tingin ko lang - malabong aprobahan iyan ng Pangulo na kilalang masugid na sumusuporta sa bawat programa ng Amerika, partikular ang pakikibaka sa terorismo.

May mga haka-haka na si dating Presidente Joseph Estrada na isa sa mga moving spirits kaya napatalsik sa bansa ang mga US bases ay natanggal sa puwesto sa ayuda ng pamahalaang Amerika. Therefore, it is presumed na ang unang pag-upo sa estado poder ni Mrs. Arroyo ay Amerika rin ang may kagagawan. Ergo - malaki ang utang na loob ng Pangulo kay "Uncle Sam." Iyan ay haka-haka lang naman pero may basehan.

Kung gayun pala, hangga ngayo’y kapit-tuko pa rin ang pobreng Pilipinas sa pundilyo ni Big White Brother. Ergo again, Amerika pa rin ang nagdidikta sa mga patakarang dapat umiral sa Pilipinas kahit naturingang isa na tayong malayang bansa.

Kung magkagayon, masahol pa pala ito sa sinabi ni dating Presidente Manuel L. Quezon noon tungkol sa "government run like hell by Fililipinos" na mas gusto niya kaysa "government run like heaven by the Americans." Kung totoong "robot" pa rin ng Amerika ang Pilipinas, this is surely a government run like hell by Americans."

AMERIKA

BIG WHITE BROTHER

MRS. ARROYO

PANGULO

PILIPINAS

PRESIDENTE ARROYO

PRESIDENTE JOSEPH ESTRADA

PRESIDENTE MANUEL L

UNCLE SAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with