^

PSN Opinyon

Sobra ka bang magpawis?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAGANDA at malakas ang sex appeal ni Ellen pero may isang pintas sa kanya. Ito ay ang sobrang pagpapawis ng kanyang kilikili. Anumang ganda ng kasuotan niya bakat naman sa damit niya na basa ng pawis ang kanyang kili-kili kaya marami tuloy ang natu-turn off sa kanya.

Si Ellen ay may hyperhidrosis, isang abnormal sweating. Ayon sa international endocrinologist na si Dr. Thomas Cromer merong dalawang sweat glands: Ang apocrine glands at eccrine glands. Ang apocrine glands ay natatagpuan sa axilla at anogenital area na kontrolado ng sex hormones. Ang eccrine glands ang sanhi ng pagpapawis sa lahat ng bahagi ng katawan lalo na sa palad, talampakan at sakong ng paa, na lumulubha kapag namroroblema o nagkakaroon ng anxiety.

Ang hyperhidrosis ay nagsisimula sa babae at lalaki na nasa stage of puberty. Kung sila’y nagdadalaga o nagbibinata. Bukod sa anxiety sinabi ni Dr. Cromer na ilan pang sanhi ng sobrang pagpapawis ay ang sobrang katabaan o obesity, impeksyon, menopause na kadalasan ay nagkakaroon ng ‘‘hot flushes,’’ carcinoma of the prostate, lymphomas, tumor at diabetes.

vuukle comment

ANUMANG

AYON

BUKOD

DR. CROMER

DR. THOMAS CROMER

GLANDS

PAGPAPAWIS

SI ELLEN

SOBRANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with