Si Jesus ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea noong kapanahunan ni Haring Herodes. Dumating naman sa Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan at nagtanung-tanong doon: Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang sambahin siya.
Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siyay naligalig, gayon din ang buong Jerusalem. Kayat tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba sa Israel at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesiyas. Sa Betlehem po ng Judea, tugon nila. Ganito ang sinulat ng propeta: At ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda, ay hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda. Sapagkat sa iyo lilitaw ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.
Nang mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at itinanong kung kailan lumitaw ang tala. At pinalakad niya sila patungong Betlehem matapos pagbilinan ng ganito: Humayo kayo at hanaping mabuti ang sanggol. Kapag inyong natagpuan, ibalita agad ninyo sa akin upang ako may makasamba sa kanya. At lumakad na nga ang mga pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila sa Silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Gayon na lamang ang galak ng mga pantas nang makita ang tala! Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria. Lumapit sila at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.
Nang silay pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.
Ang mga pantas ay kumakatawan sa lahat ng tao na dumakila sa Anak ng Di-yos. At ang kanilang handog na ginto, kamanyang at mira ay sumasagisag sa pagkahari ni Jesus (ginto), kanyang kadakilaan bilang Anak ng Diyos (kamanyang) at ang kanyang paghihirap at kamatayan (mira).