Ipinapalagay ng ilang political observers na itoy pagkalas ni "Tabako" (bansag kay Ramos) sa kampo ni Presidente Arroyo. Nagkaroon ng mga espekulasyon na bumubuo na ng triumvirate ng mga ex-presidents tulad nina Ramos, Cory Aquino at Joseph Estrada para manguna sa isang transition government na ipapalit sa patatalsiking rehimeng Arroyo. Sabi naman ng Malacañang, walang masama sa ginawa ni Tabako. Layunin lang daw nito na mamagitan sa oposisyon at administrasyon sa pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa. At maging si Tabako ay nagsabing hindi siya makikipag-alyansa sa oposisyon. Sa halip, kung gusto ng oposisyon "sila ang makipag-alyansa sa akin". Mayroon nga kayang hidden agenda si Tabako? To use Tabakos own expression "abangan".
Si Rep. Imee Marcos (na kung tutuusin ay malayong pamangkin ni Tabako) ay nagbababala sa kanyang mga kasamahan sa oposisyon: "Huwag magtiwala kay Ramos." Ang tingin ni Imee kay Tabako ay isang "trojan horse".
Sa Greek mythology, ang hukbong Griego ay nagpadala ng dambuhalang rebultong kahoy na kabayo sa mga kalaban sa Troy. Kunway peace offering. Nagtiwala ang pamunuan ng Troy sa pekeng intensyon ng mga Griego. Tinanggap ang regalo at pinapasok sa kanilang teritoryo. Yun pala, may nakapaloob sa rebulto na mga mandirigma. Sumapit ang gabi at habang nahihimbing ang mga Trojans (tawag sa mga taga-Troy), naglabasan mula sa kabayo ang mga mandirigma at sumalakay sa mga Trojans na walang kalaban-laban. Hangga ngayon, ginagamit ang terminolohiyang "trojan horse" na ipinatutungkol sa mga kahinahinalang propositions o alok ng pakikipag-alyansa ng isang kalaban.
Ano man ang tunay na motibo ni Tabako, mabuti man o masama sa pananaw ng iba, sana itoy para sa pagtatamo ng ginhawa ng nakararami nating kababayan na sukang-suka na sa mga kaguluhang nagaganap sa bansa. Kung ang mga aksyon ni Ramos ay para sa ikalulusog ng bansa, sige hataw pa! Otherwise, we will cry in unison "Tabako is dangerous to health."