Saan napunta ang DSF ng Air Force?
January 6, 2006 | 12:00am
ISA-ISANG sinagot ni Philippine Air Force Spokes-person Lt. Col. Restituto Padilla ang lahat ng naging akusasyon ni dating Deputy Wing Commander Lt. Col. Efren Daquil sa kinahantungan ng P30 milllion na Direct Support Fund o DSF ng Philippine Air Force.
Sa aming programang Bahala sina Ben at Erwin Tulfo Brothers sa UNTV 37, ipinaliwanag ni Lt. Col. Padilla ang pinatunguan ng kuwestiyonableng P30 million na DSF ng Phillipine Air Force.
Ayon kay Lt. Col. Padilla, ang lahat ng ito ay napunta sa sports gear nang mahigit sa 17,000 miyembro ng Air Force at ginamit sa ilan pang mga pangangailangan ng organisasyon.
Malinis daw ang lahat ng pinaggastusan ng pera at kanilang maipapaliwanag sa tao ang pinatunguhan ng DSF na kinukuwestiyon ni Daquil.
Nagkaroon din daw ng bidding sa mga sports gear na napunta naman daw sa lahat ng miyembro ng Air Force.
Subalit nais paimbestigahan ng Malacañang ang ginawang pagsisiwalat ni Daquil na kanyang nalalaman sa tunay na pinaggastahan daw ng nawawalang P30 million ng Air Force.
Dito, detalyado ang lahat ng naging pagpapaliwanag ni Lt. Col. Padilla. Handa rin nilang ipakita ang kanilang financial statements na kanilang ginawa.
Subalit naniniwala kami na higit na mas mahalaga dito ay ang tunay at ang katotohanan sa likod ng DSF ng Air Force.
Hindi namin kinukuwestiyon ang pinagla-gakan ng DSF, subalit mas nakakabuti sa aming pananaw kung sa mas kailangan na lamang ng organisasyon ang pinaglaanan ng pondo.
Kung ito man ay sa karagdagang kagamitan ng Air Force at pagdaragdag pa ng iba pang mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro.
Ang lahat ng ito ay patuloy naming baban-tayan upang higit na mabulgar at maipaliwanag ang totoong kinahantu-ngan ng DSF ng Philippine Air Force.
Bitag hotline numbers, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310.
Manood tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m. IBC-13, "BITAG".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended