^

PSN Opinyon

May allergy ba kayo? Basahin n’yo ito

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MASAGANANG Bagong Taon sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star NGAYON. Hangad ko ang kapayapaan at mabuting kalusugan para sa lahat ngayong 2006.
* * *
MARAMING pagkain at inumin sa panahon ng kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon. At dahil dito, hindi maiiwasang ang karamihan ay magkaroon ng allergic reaction. At ang ganitong pangyayari ay hindi dapat ipagwalambahala.

Ang allergic reaction ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng anaphylaxis. Kapag nagkaroon ng anaphylaxis, mahihirapan sa paghinga, bababa ang blood pressure ang bibig at lalamunan ay mamamaga at maaaring mawalan ng malay. Maaaring ikamatay ang anaphylaxis.

Ang anaphylaxis ay mararanasan sa loob ng 15 minuto makaraang magkaroon ng contact sa allergen. Ang sintomas ay maaaring mawala sa loob ng ilang oras. Kapag naaagapan ang anaphylaxis, malaki ang pagkakataong maka-survive. Ang sinumang may sintomas ng anaphylaxis ay kinakailangang dalhin kaagad sa ospital. Hindi dapat ipagwalambahala ang sintomas ng anaphylaxis. At kahit na nawala na ang mga sintomas ng anaphylaxis nararapat pa ring manatili sa ospital ang pasyente.

Ginagamot ang anaphylaxis sa pamamagitan ng pag-iineksiyon ng epinephrine. Kaya ipinapayo sa sinumang nakararanas ng severe allergic reaction, nararapat na magdala ng emergency dose ng epinephrine sa lahat ng oras. Lagi ring dalhin ang identification card na kinaroroonan ng inyong medical history at allergies.

Maaari kayong bigyan ng doktor ng prescription ng epinephrine kung inyong kailangan. Tanungin ang inyong doktor o ang pharmacist para maturuan kayo sa mga gagawin tungkol sa tamang paggamit ng epinephrine. Kapag aksidenteng nai-inject ang epinephrine na hindi tama ang quantity maaaring magbunga ito ng serious complications. Available ang epinephrine sa "easy-to-use pen" form. Maaari itong i-inject kahit na may suot na damit.

ANAPHYLAXIS

BAGONG TAON

EPINEPHRINE

GINAGAMOT

HANGAD

KAPAG

KAYA

MAAARI

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with