Mga tirador ng mga turista sa Maynila, Tutugisin na kayo ng BITAG!
December 26, 2005 | 12:00am
BIBIGYAN namin ng espasyo sa kolum na to ang reklamo ng isang balikbayan. Itoy kaugnay sa umanoy pagsasamantala sa mga turista at balikbayan nitong ilang "tirador" na kutsero na nakabase sa Ermita, Maynila.
Ayon sa balikbayan na si Mang Rey, kakaibang raket ang ginagawa ng ilang kutsero upang kumita sa kanilang mga nagiging parokyano na karamihan turista at balikbayan.
Siya rin daw mismo, personal ding biktima ng ganung raket kung saan naloko din siya ng mga kutsero na kanilang inupahan. Sinabi pa ni Mang Rey, masahol pa raw sa mga holdaper ang estilo ng mga kutserong ito.
"gusto ko lang mabigyan ng leksiyon at matigil na ang panglalamang sa kapwa nitong mga "duhapang" na kutsero." Ayon sa nagrereklamo.
Isinalaysay ni Mang Rey, napagkayayaan nilang mag-asawa na ikutin ang ipinagmamalaking "tourist spots" sa Maynila. Kasama ang dalawang-taong anak, naisipan nilang sumakay sa isang kalesa. Sinabi ng kutsero, 200-peso daw ang renta sa kalahating oras.
Makaraan ang isat kalahating oras, huminto ang kalesa sa isang alanganing lugar. Idinahilan ng duhapang na kutsero, napagod daw ang kanyang kabayo. Dahil dito, napilitan siyang bayaran na lamang ang kutsero.
Nagulat ako nung singilin kami ng halagang 1,500 pesos daw lahat ang aming babayaran . Dito ko nalaman, 500 pesos pala ang bayad bawat isa. Ang masahol pa nito, siningil maging ang dala naming 2-taong gulang na anak." Dagdag pa ng nagrereklamo.
Sa pamamagitan ng reklamong ito ni Mang Rey. Hinahamon ng kolum na to ang tanggapan ng Department of Tourism (DOT). Pansamantalang ipauubaya namin sa inyo ang pagtugis sa mga nabanggit na kawatang KUTSERO.
Kung tutuusin, maliliit na halaga lamang ang nakukulimbat ng mga tirador na ito ng mga turista, subalit nagdudulot ito ng masamang imahe sa ating bansa sa pagdating sa larangan ng turismo.
Huwag na ninyong hintayin pa ang BITAG ang kumilos para sa inyo! At sa mga kawatan at mga tirador na mga KUTSERO, tuldukan na ninyo ang inyong panlalamang. Naka-kasa na ang aming patibong para sa inyo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest