Ang kaligtasa’y narito na

Sa makalawa ay Pasko na. At ang salmo sa ating liturhiya ngayong huling linggo ng adbiento para sa araw na ito ay isang awit-dalangin na humihingi ng patnubay at pag-iingat mula sa Panginoon (Awit 25:4-5, 8-10, 14).

"Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan. Ituro mo, Yahweh, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan, sa buong maghapo’y pinagtitiwalaan.


"Mabuti si Yahweh at makatarungan, sa mga salari’y guro at patnubay; sa mababang-loob siya yaong gabay, at nagtuturo ng kanyang kalooban. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay sa tumatalima sa utos at tipan.

"Sa tumatalima, siya’y kaibigan, at tagapagturo ng banal na tipan."

Ang ating kaligtasa’y narito na. Nais niya tayong hubugin sa tamang pag-uugali sa harapan ng Diyos at ng kapwa. At ang kauna-unahang ituturo niya sa atin ay ang pagtalima o pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Handang-handa na ba tayo na buksan ang pinto ng ating kalooban upang Siya’y papasukin? Bukas na ba ang ating mga isipan upang matutunan ang kanyang mga ituturo?

HALINA JESUS, HALINA!

Show comments