At iyan ang nagkakaisang pangamba ng mga minority stockholders ng Philcomsat Holdings Corp. (Philcomsat) na isang 81 porsyentong subsidiary ng Philippine Communications Satellite Corp. (Philcomsat) sa pangangasiwa ng grupo ni Manuel Nieto Jr. Si Nieto ang presidente at ang pamangking si Benito Araneta ang board chairman. Matatapos na ang taong 2005, hindi pa rin nagpapatawag ng pulong ng mga stockholders.
Kailangan na ang drastic measure para resolbahin ang problemang ito which should be a national concern porke may sosyo ang pamahalaan. Salapi ng taumbayan ang nakataya. Si Ozamiz ay nagpetisyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) na brasuhin ang grupo ni Nieto para magpatawag ng pulong bago matapos ang taon. Nagpadala ng ikalawang sulat si Ozamiz sa SEC. Hinihiling na mag-isyu ng cease and desist order sa board of directors ng PHC laban sa disbursement ng salapi at pagtinag sa mga assets nito for the protection of the small investors.
Nababahala ang mga stockholders dahil wala silang natatanggap na financial report . Ni hindi pinapansin ang kahilingan ng mga lehitimong stockholders ng pangasiwaan ng PHC. Malamang, nalulustay ang ari-arian at pananalapi ng kompanyang ito kaya walang maiharap ang board na financial report sa mga kasosyo.
Natalakay na natin kamakailan ang diumanoy pagpapasasa ng mga opisyal ng PHC sa pamamagitan ng mga dambuhalang representation allowances at iba pang maluluhong gastusin. Mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, sinasabing umaabot sa P7.13 milyon ang ginastos ng PHC para sa representation and entertainment. Iyan ay 183 porsyentong paglobo sa gayunding gastusin noong taong 2004.
No wonder, patuloy na bumabagsak ang kompanya.