^

PSN Opinyon

Pasko na, Pasko na

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Ngayon ay Pasko na tayo ay magsaya

Pagka’t ito’y birthday ng Poong Dakila;

Sa araw na ito ay iwaksi sana

Di pagkakasundo ng mga pamilya!

Higit sa pamilya’y itong buong mundo

Sana’y mapayapa sa araw ng Pasko;

Taong walang d’yos saka maka-Kristo

Magkaisa at magyakap bilang mga tao!

At sana sa Pasko’y tanging pangarapin

Ng mayama’y dukha -— dakilang mithiin;

Mga kabataa’y mag-ugnay damdamin

Ang baya’y iangat saka paunlarin!

Dapat ding sa Pasko lahat ay masigla

Mayama’t mahirap dapat magkasama;

Mga kapus-palad ay tulungan sana

Ng mga mayroon at mga maykaya!

Ngayong Pasko’y dapat pa ring magtulungan

Mga pulitiko’t itong sambayanan;

Ang mga pagkontra ay dapat iwasan

Upang maka-angat ating kabuhayan!

Marapat ding tayo ay maging matipid

Sa paggamit ng kuryente saka tubig;

Kung gagawin ito bansa ay tahimik

Lahat sasagana -— wala ring ligalig!

Ang rally at gulo di na makikita

Sa Maynila, sa Makati at sa Edsa;

Pasko’y igagalang ng NPA, terorista

Tahimik at masagana ating Noche Buena!

Kung ang bansa ay tahimik ngayong Pasko

Masayang-masaya tayong Pilipino;

Ang mga problemang balikat ng mundo

Sa kaunting langis -— masaya na tayo!

DAPAT

EDSA

HIGIT

KRISTO

NGAYONG PASKO

NOCHE BUENA

PASKO

POONG DAKILA

SA MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with