Bakit madalas akong kabagan?
December 18, 2005 | 12:00am
MADALAS po akong kabagan. Ano po ang dahilan at kinakabagan ang tao?" Iyan ang nilalaman ng sulat na aking natanggap mula sa avid reader.
Noong nakaraang taon ay natalakay ko na ang topic na ito. Pero dahil sa sulat-kahilingan ng reader, muli ko itong uulitin.
Tayong lahat ay kinakabagan. Maaaring maalis ang kabag sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot. Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins. Pero ang kabag ay maaari ring maging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer. May mga taong madaling kabagan at merong hindi.
Ilang mabuting paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod: Umiwas kumain ng heavy meals, kumain lamang nang marahan at huwag masyadong uminom ng mga soda drinks. Makatutulong din para hindi kabagan ang paglalagay ng herbs o spices sa pagkain. Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagko-cause ng kabag. Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gagamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag.
Ang pag-inom ng tea o tsa pagkatapos kumain ay makatutulong para maiwasan ang kabag. Ang tsa ay nakatutulong sa pag-digest ng pagkain. Ang peppermint tea naman ay nare-relax ang mga muscles sa colon at tumutulong para ma-relieve ang kabag.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended