Diwang, damdam sa kasong Garcia
December 12, 2005 | 12:00am
MAGKAHALONG diwang at damdam ang sumalubong sa sentensiya kay Maj. Gen. Carlos Garcia na two years hard labor sa paglabag ng Articles of War. Diwang, dahil mabilis ang paglitis sa kanya: Kulang dalawang linggo sa isang taon, kumpara sa mahigit dalawang taon nang kaso ng Oakwood mutineers. Damdam, dahil sa mga sumusunod na rason:
Una, ang hard labor pala ay pagkakait lang ng VIP treatment at cell phone bagay na talaga namang bawal sa bilanggo. Labag sa international rules on human rights ang pagtibag ng bato, pero sa militar ang kahulugan ng hard labor ay dagdag na fatigue work. Sa mababang ranggo, saad nito ay paglilinis ng karsel o pagtatabas ng damo; pero dahil heneral si Garcia, exempted siya sa extra fatigue. E, di VIP treatment din.
Ikalawa ang puna ni Atty. Leonard de Vera, puno ng Integrated Bar of the Phil. observer panel sa court martial: matulin ang paglitis at matalim ang sentensiya dahil media ang naglantad sa katiwalian ni Garcia at media rin ang tumutok sa kinahinatnan, Ang implikasyon, hindi aandar ang kaso at maitatago ang katiwalian kung wala ang media.
Ikatlo ang obserbasyon ni de Vera, na kinatigan ni Rep. Roilo Golez: Si Garcia lang ang pinarusahan, wala ang mga obvious na kasapakat niya. Ang kasong hinarap sa court martial, pagbubulaan sa Statement of Assets and Liabilities sa taon 2002 at 2003, at pagiging immigrant sa America. Personal ang mga paglabag ni Garcia sa Articles of War. Pero hindi niya makakamal ang mga tagong yaman kung walang kasabwat na mas mataas o mababa sa puwesto niyang deputy chief of staff for comptrollership. Totoo, mas malaki ang sinampang kaso sa Sandiganbayan: Plunder ng P324 milyon, pagbubulaan sa SAL ng mga taon 1998-2001, at pagbawi ng labis na yaman. Pero ang kasabwat niya run ay ang asawat tatlong anak. Kumbaga, lusot din ang iba pang kasapakat sa militar. Iniimbestigahan ang dalawa niyang dating tauhan, sina Col. George Rabusa at Maj. Ramon Lim, pero sa kani-kanilang tinagong yaman at pagbubulaan din sa SAL. Wala pa rin ang mga dating hepe o ka-ranggo na maaring nakinabang din.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended