Paskong matamis na pumait pa!
December 12, 2005 | 12:00am
NOONG nakaraang Sabado, kasama ko ang beteranong brodkaster na si Barr Samson sa bahay ng aking nakatatandang kapatid na si Ray Pedroche na contemporary niya sa pagraradyo. Nagpalitan kami ng kurukuro sa mga political issues sa bansa. Halos nagkakapareho ang aming opinyon.
Sabi ni Barr "fraud or no fraud (na ang tinutukoy ay ang mga alegasyon laban kay Presidente Arroyo na alam na ng lahat) dapat bigyang tsansa na makausad ang pag-unlad ng bansa." Naririyan na ang mga indikasyon ng pag-angat ng kabuhayan. Naririyan ang limang sunud-sunod na pagbaba sa presyo ng petrolyo, ang paglakas ng piso at pagpasok ng dayuhang pamumuhunan sa ating bansa. All these point to the restoration of investors confidence sa ating bansa.
Higit sa lahat, nagbunyi ang buong bansa sa kata-tapos na ika-23 Southeast Asian Games dahil tayo ang itinanghal na overall champion. Hinakot natin ang pinakamaraming gintong medalya sa kaunaunahang pagkakataon!
Iyan ay maituturing na "tamis" sa pagpasok ng Pasko. Pero ang tamis na iyan ay hinaluan ng pait. Dapat man lang sanay asim na lang ang idinagdag para agri-culce o escabeche. Masarap-sarap.
Pero ang asukal na hinaluan ng apdo ay.. yukks.
Habang ikinagagalak ng marami ang mga positive developments na ito, ginanap na naman sa ating Kongreso ang paghalukay sa sinasabing massive cheating nung nakaraang presidential elections. Itoy matapos lumantad at maging center of attraction na naman si dating COMELEC commissioner Virgilio Garcillano of the "hello Garci" fame.
Marami ang nagtatanong: Bakit kailangang bahiran ng hapdi at anghang ng pulitika ang mga magagandang nangyayari sa bansa? Kung nagkasala man ang Pangulo ng pandaraya at katiwalian, may panahon para usigin siya. Kapag natapos na ang kanyang termino gaya ng ginagawa sa ibang bansa. Tama si Barr, fraud or no fraud, lets give progress the chance to uplift the welfare of the Filipinos.
Hindi naman marahil kalabisan na umapela tayo sa ating mga pinagpipitaganang political figures na huwag nang haluan ng pait ng pulitika ang tamis ng tagumpay ng bansa sa darating na Pasko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended