^

PSN Opinyon

Speech Defect kaugnay sa pandinig

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAPAG ang isang normal na sanggol ay 18 buwan na pautal-utal siyang nakapagsasalita ng 20 words at pagdalawang taon na ay 50 pang salita ang madadagdag sa kanyang bokabularyo. Ang isang perfectly normal na bata ay marami ng mga salitang alam na bigkasin at nadaragdagan ang kaalaman niya kapag umedad ng tatlo o apat na taon.

Ayon sa hearing aid specialist na si Dr. Eduardo Go, lima hanggang walong porsiyento ng mga batang wala pang limang taon ay mahirap magsalita at nababalam ang kakayahan nilang magsalita ng matataas.

Ayon kay Dr. Go maraming dahilan ang problemang ito. Ilan sa tinuran niya ay ang pagkakasakit ng bata ng cerebral palsy, ang pagiging autistic at nakakarami ang may problema sa pandinig. Sabi pa ng doktor na marami, lalo na ang mga magulang, na nagtataka, naiinis at nagagalit hanggang sa bulyawan at umbagin ang anak na hindi nakapag-communicate sa kanila. May iba pang kapamilya ng mga batang may hearing impairment ang nagiging pasaway at sila pa mismo ang tumutukso sa bata na bingi.

Ayon pa sa doktor sa mga may kasong ganito ay dapat na komunsulta sa hearing specialist para magawan ng paraan na makapamuhay ng normal ang mga batang may problema sa pandinig.

AYON

BATA

BATANG

DR. EDUARDO GO

DR. GO

HEARING

ILAN

NORMAL

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with