^

PSN Opinyon

Elbow Room sa Metrowalk bagong pugad ng mga poker players

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MATAPOS maghimas ng bakal na rehas dahil sa pagkahuli nila sa mini casino sa Pasay, aba ang mga poker players doon ay madalas ng makikita sa Elbow Room sa Metrowalk sa Pasig City. Siyempre, hindi sila naglalaro ng billiards mga suki,, kundi nagkukulong sila sa mga VIP room at doon naglalaro na muli ng poker. Lunes o Biyernes ang tinatawag na tournament sa Elbow Room at ang mga kasunod na araw na ang masasabi naman nating cash games. Umaabot daw sa P200,000 ang tayaan sa larong poker doon, anang mga suki natin na humahangos pang sumulpot sa harap ko. Kung hindi estudyante, ang mga naglalaro ng poker sa Elbow Room ay mga Chinese trader o mga ex-pats, anang suki ko. Ang nasa likod ng poker operations doon ay ang isang Fil-Canadian na kilala lamang sa alyas na Nick Galan. Ipina-raid kaya ni Galan ang mini-casino sa Buendia Ave., sa Pasay City para lumipat sila sa Elbow Room? He-he-he! may milagro kaya sa raid na isinagawa sa mini casino sa Pasay?

Kada VIP room pala ay may dalawang lamesa na may sampung players naman ng poker. Sa pagpasok mo pa lang sa underground poker games, aba tumataginting na P20,000 worth ng buy-in chips na ang dapat pakawalan mo. Every two weeks pala ay may tournament at aabot sa P300,000 ang pinag-aagawan. Maraming nalilibang sa larong ito dahil mula alas-9:00 ng gabi hanggang madaling-araw na kung matapos ang poker doon.

Kaya pala madaming parukyano ang dumadayo dito sa Elbow room hindi para maglaro ng billiards kundi para magsugal. May alam kaya ang kapulisan natin sa underground poker na ito ni Galan? Hindi ba na ang naguguyo dito sa patuloy nilang operation ni Galan ay ang gobyerno dahil wala naman silang taxes na binabayaran? Dapat kayang kumilos na ang PAGCOR para mapuksa na ang operation ni Galan na umaabot na sa 20 ang butas sa buong bansa? Kung ako si Atty. Mon Montesclaros, ang operator ng mini casino sa Pasay City, aba isusuplong ko sa batas itong underground poker ni Galan para makaganti rin siya sa sinapit niya. Kailan kaya magsasalita si Montesclaros?

Itong mga dealer pala ng poker sa Elbow Room ay nag-train pa sa Las Vegas sa Nevada na kung tawagin ay Pocket Aces. Tig-P1,000 ang bayad sa mga card dealer bawat araw, anang suki ko. Kayang-kaya rin namang kitain ni Galan ang pera dahil hindi bababa sa P300 ang tong kada deal ng baraha. Kung isasama mo dito ang tip, aba kumakamal din ng limpak-limpak na salapi ang mga card dealer na karamihan ay galing din sa PAFCOR. Hanggang kailan kaya magtatagal ang operation itong underground poker?

Isiniwalat rin ng suki ko na ang nasa likod pala nitong operation ng poker games ni Galan ay isang kamag-anak ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘‘Chavit’’ Singson. Ngeee! Totoo kaya ito?

Kung sabagay, natatandaan ko pa na may nagbarilan na mga security guards diyan ukol sa parking space at nabanggit rin ang pangalan ni Chavit noon, di ba mga suki? Kung si Chavit ay naging jueteng witness noon para mapatalsik si dating Pres. Erap Estrada, bakit pinasukan niya ang ganitong klaseng laro na ang inoonse ay ang gobyerno ni Pres. Arroyo? May marami pang katanungan tayo mga suki pero tiyak magkakaroon ito ng kasagutan sa susunod na mga araw. Abangan!

BUENDIA AVE

CHAVIT

ELBOW ROOM

ERAP ESTRADA

GALAN

KAYA

PASAY CITY

POKER

ROOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with