Paanyayang magpahinga

KADALASAN, sa dami ng trabaho o mga pinagkakaabalahan sa buhay, wala na tayong oras magpahinga. Ngunit kung ang makina ay ipinapahinga rin upang di-masira, ganoon din, at higit pa lalo, tayong mga tao. At sa Ebanghelyo para sa araw na ito, may paanyaya ang ating Panginoon (Mateo 11:28-30).

"Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at nabibigatan sa inyong pa-sanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at maba- bang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sa- pagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.’"


Huwag nang mag-atubili. Lumapit sa Panginoon at tanggapin ang kanyang paanyaya na pasanin ang kanyang pamatok upang maibsan ang ating mga dalahin.
* * *
Bukas, Disyembre 8, ay kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria, o ang Imaculada Concepcion. Si Maria ay ipinaglihi na walang bahid ng kasalanan. Siya ay inihanda ng Diyos upang maging Ina ng ating Tagapagligtas na si Jesús.

Si Maria ang Patrona ng buong Pilipinas. Idulog din natin sa kanya ang mga pangangailangan ng ating bansa – lalo na ng ating pangangailangan sa kapayapaan, kaligtasan sa anumang kapahamakan, at higit sa lahat, ang tunay na makasunod sa loobin ng ating Ama.

Show comments