Marami ang nagulat nang lumabas si Garci noong isang linggo. Nauna nang naibalita ng asawa niya na lalabas na si Garci. Kuntodo costume ang bida na para bagang ipinapahiwatig na suportado siya ng mga Muslim.
Hindi dapat nagpahiwatig ng ganito si Garci sapagkat alam naman ng lahat na talagang bagyo siya sa lakas. Siya nga ang pinaghihinalaang ka-phone pal pa ni GMA. Ayaw nga lamang aminin ni Garci at ni GMA. Ewan kung malalaman pa ito.
Ibat ibang kundisyon ang ibinigay niya bago tuluyang lumabas sa kanyang pinagtaguan noong Linggo. Noon ay atat na atat ang lahat lalo na ang mga taga-oposisyon kung totoo nga ang nilalaman ng Garci tapes. Subalit sa pagkawala niya ng anim na buwan, alam nilang aayusin na ang mga dapat ayusin upang makawala sa bitag ang mga isinasabit.
Inaasahan din na ibang-iba na ang magiging kuwento ni Garci kaysa sa nalalaman ng marami. Para sa mga ito, magiging kuwentong kutsero na lamang kung anuman ang magiging salaysay ni Garci ngayong lumabas na siya.